Followers

Saturday, August 23, 2014

Hijo de Puta: Sisenta y Siyete

Nagising ako sa butil-butil na pawis sa aking dibdib at leeg. Kaya pala ay nakakumot ako. 

Naisip ko si Lianne. Kinumutan niya ako. Siguro ay naaalibadbaran siyang makita ang hubad kong katawan kaya tinakpan niya.

Bumangon ako at hinanap ko siya. Wala sa banyo. Pumasok na siya, naisip ko. 

Sa dining table, nakita ko ang hinanda niyang almusal. Sinangag, itlog at corned beef.

Hinugot ko ang note na nakaipit sa kutsara at tinidor.

Hector,
Good morning!
Hindi na kita ginising dahil alam kong puyat at pagod ka. Pero, ipinaghanda kita ng almusal.
Enjoy your meal!
Lianne,

Nakakatuwa. Ipinaghanda niya pa talaga ako ng almusal gayong maaga ang pasok niya. 

Tinawagan ko siya.

“Salamat sa inihanda mong almusal!’’ sabi ko.

“Walang anuman..’’

“Alam mo bang matagal na akong hindi naipagluluto ng isang babae? Ikaw na lang uli ang gumawa niyon. Kaya sobrang saya ko. Sana, kasalo kita ngayon..’’

“Sana.. Pero di pwede. Magkaiba ang mga schedule natin.. Hayaan mo pag may time..’’

“Sige, asahan ko yan.. Nga pala, pasensiya ka na kung.. kung nakahubad-baro at naka-boxer shorts lang ako kapag natutulog.’’

Tumawa muna siya. “Walang problema yun, Hector. Hindi ko naman ‘yan tiningnan. Nakita ko lang na nilalamig ka. Malamig kaya kaninang madaling araw.” 

“Ah, ganun ba?! Bakit ikaw, di rin nagkukumot?”

“Ha? Paano mo nalaman?”

“Nakita ko.” 

“Nakita mo?! Ang alin..”

Tumawa ako. “Sige na. Nakakaistorbo na ako sa'yo. Salamat uli. Miss na kita agad.”


“Welcome. Miss you too.”

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...