Followers

Tuesday, August 5, 2014

May Ballpen Ka Pa Ba?

 May ballpen ka pa ba? Kasi kung wala na, mamamatay ka na..
           Base dito, isang post sa Facebook, kamatayan ang patutunguhan ng kawalan ng ballpen. Totoo kaya ito? Sa aking logical analysis, posible. Tama ang bawat resulta. Kamatayan nga ang bunga kapag walang panulat ang isang tao. Look..
Lost your pen = No pen
No pen = No notes
No study = Fail
Fail = No diploma
No diploma = No work
No work = No money
No money = No food
No food = Skinny
Skinny = Ugly
Ugly = No love
No love = No marriage
No marriage = No children
No children = Alone
Alone = Depression
Depression = Sickness
Sickness = Death
              Logically speaking, tama! Kung nawalan ka ng ballpen o lapis, siyempre wala ka ng ipapansulat. Kaya, hindi ka makakapag-take notes. Bilang estudyante, kapag wala kang sinulat o notes, maaari kang bumagsak sa quiz man o sa test. Kapag bumagsak ka, hindi ka ga-graduate, kaya hindi ka makakatanggap ng diploma. Pag wala ka nito, ewan ko lang kung makakapasok ka sa trabaho o may tatanggap na kompanya sa'yo, unless nagpagawa ka ng diploma sa Recto University. Lalo na ngayon, mahirap ang trabaho. Kulang na kulang. Ang magandang trabaho ay para na lang sa may mataas na pinag-aralan. Ang mabibigat at maduduming trabaho ay para sa walang natapos.
              Ang trabaho ang nagbibigay sa atin ng pera at kabuhayan, kaya kung wala ka nito, wala kang maipapakain sa pamilya. Wala ka ring makakain. Magugutom ka. Mangangayat. Lulubog ang pisngi mo at lalabas ang mga buto. Papangit ka. Kapag pangit ka na, pustahan tayo, walang magkakagusto sa'yo. Walang magmamahal sa'yo. Hindi mo mararanasang ikasal. Hindi ka na rin siyempre magkakaroon ng sariling pamilya o mga anak. Mag-iisa ka na lang sa buhay. Kaluoy!
              Kapag nag-iisa ka na lang, malulungkot ka. Magiging sanhi ng matinding depresyon. Ito ay isa sa mga dahilan ng pagkakasakit ng isang tao. Sa madaling sabi, magkakasakit ka.
              Nakakatakot magkasakit ngayon... nakakamatay!
              Samakatuwid, kapag wala kang ballpen o lapis, maaari kang mamatay. Gusto mo ba 'yun? Sige, iwala mo ang panulat mo. Huwag mo itong pahagalahan... gaya ng edukasyon. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...