Followers

Thursday, August 21, 2014

Red Diary: Luha

Kinausap ko si Mam Dina pagkatapos ng klase namin. Hindi alam ng mga kaklase ko na nagpaiwan ako. Lalong hindi nila alam na dini-date siya ni Daddy.

"Red, may sasabihin ka?" tanong sa akin ni Mam nang magkaharap na kami sa table niya.

"Mam..pangarap ko po kasing mabuo ko uli ang pamilya ko." Nakakahiya man ay direkta ko pa ring nasabi ang gusto kong sabihin. "Hindi naman po lingid sa akin na nagdi-date kayo ni Daddy.."

Tumingin muna si Mam sa labas bago nagsalita. "Red, date lang naman yun, eh. Si Daddy mo ang may gustong.."

"Mam, hindi naman po ako nagagalit sa bagay na 'yan. Gusto ko lang po sanang malaman niyo na gumagawa ako ng paraan para magkabalikan sila ni Mommy. Alam niyo po, masaya ang pamilya namin dati. At nami-miss ko na po iyon ngayon.."

"Naunawaan kita. Hayaan mo, huling date na namin nung Sabado. Para sa kaligayahan mo. Alam ko wala akong laban kung sakali. Tutal, maaga pa para layuan ko ang ama mo.." Medyo napayuko si Mam. Naluluha siya. Marahil ay hindi niya matanggap na gagawin niya iyon. Siguro ay napamahal na siya kay Daddy. Pero, wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng ipagpalit ang kaligayahan ko sa kaligayahan niya.

"Salamat po, Mam! Pasensiya na po." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Nakayuko pa rin siya hanggang nakalabas ako ng classroom.

Nakailang hakbang na ako mula sa pinto ng silid-aralan nang may maalala ako. Kaya, bumalik ako.

"Mam.." Napatigil ako nang umiiyak si Mam habang nagpupunas ng luha. "..sorry po. May ipapakiusap lang sana ako.."

"Huwag kang mag-alala, Red.. Hindi ito malalaman ng Daddy mo.. Sige na, uwi ka na."

Naawa ako kay Mam.

Umuwi akong malungkot. Hindi ako nakipagharutan at nakapagbiruan kay Dindee. Nagkunwari na lang akong nag-re-review o gumagawa ng assigment. One of these days, ikukuwento ko rin ito sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...