Bukas, exam na namin kaya, hindi muna ako umuwi. Nag-library muna ako.Gusto ko kasing mag-concentrate sa pagre-review. Kapag sa bahay ko iyon gagawin, hindi ko iyon magagawa dahil kukulitin ako ni Dindee hanggang makipagkulitan na ako.
Alas-kuwatro na ako lumabas ng library. Hindi ko akalaing makikita ko pa si Riz sa school. Siguro ay nag-review din siya. Pero, mas hindi ko naisip kung bakit kasama niya si Leandro sa mga oras na iyon. Ang masama, nag-aaway sila. Sinisigawan siya ni Leandro.
Hindi ko naatim na ginaganun si Riz, kaya lumapit ako. "Leandro, bakit sinisigawan mo si Riz? May problema ba?"
"Wag kang makialam dito, Redondo kung ayaw mong magkasakitan tayo.." Dinuro pa niya ako.
Hindi ako umalis doon. "Hindi ako nakikialam. Nagtatanong lang po." Mahinahon pa rin ako.
"Wala kang pakialam! Away namin 'to.."
"Riz.." si Riz ang hinarap ko. "..tama na. Uwi na tayo.."
"Tang ina! Tigas ng mukha mo! Sa harap ko pa.."
"Please.. Leandro. Ayoko ng gulo.. Umalis ka na Red. Wag ka nang makialam dito." pakiusap ni Riz sa akin. Halos ipagtulakan pa ako.
"Hindi ko pwedeng gawin 'yan.. hangga't nakikita kung inaaway ka nito.."
"Gago! In-love ka pa rin ba sa syota ko? Puta! Lumayo ka na sa kanya. Akin na siya!" Nanggagalaiti si Leandro.
"Hindi ko siya aagawin sa'yo.. Igalang mo lang ang mga babae. Hindi sila laruan.. Sige, aalis ako. Basta, Riz..ingat ka sa taong 'yan!" Tumalikod na ako.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kabigin at lumalagapak ang kanyang kamao sa panga ko. Napasigaw si Riz.
Sa sobrang sakit, hindi ko na nagawang lumaban. Naawat na rin kasi ni Riz ang boyfriend niya.
Agad akong pumunta sa Guidance Office.
No comments:
Post a Comment