Nag-enjoy ako sa bonding namin ni Dindee sa mall. Nagkulitan lang kami doon. Kuwentuhan tungkol sa pageant. Tapos, nag-lunch kami bago umuwi.
Nagyaya na ako dahil sabi ko magsusulat pa ako. Mahirap matambakan ng mga sasabihin.
Mahirap din ikuwento ang mga pangyayari sa pageant pero susubukan ko.
Una, production number namin. Naka-skinny pants kaming lahat. Red ang sa akin. Tapos, lahat kami naka-puting damit. Tinupi ko ang mga manggas para ma-emphasize ang braso ko.
Hiyawan ang mga manunuod. Ang sarap tuloy sumayaw. Nagulat ako sa sarili ko kasi parang gumaling akong sumayaw. Binigay ko kasi ang lahat ng kaya ko para maging kapalapalakpak. Hindi naman ako nabigo, malakas ang palakpakan na may hiyawan. Hindi ko na nga kung sino sa mga aming mga contestant ang pinapalakpakan. Nagkaiba lang sa hiyaw. Maraming akong nariring na pangalan ko. ''Red! Red! Galing mo, Red!" Sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko, matagal na akong dancer.
Lalong malakas ang hiyawan nang umeksena na ang mga babae. "Go, Michelle!'' ang narrinig ko. Tapos, may humihiyaw din ng "Riz, ang sweet niyo ni Leandro. Bagay kayo!" Napatingin nga ako sa kanila. Agad ko lang binawi.. Sweet nga. Swerte ni Leandro..
Nang natapos, agad akong nagbihis ng school uniform. Inalalayan ako ni Dindee. At pagkatapos, tumakbo naman siya sa harap ng stage para kuhaan ako ng mga litrato. Lumagare siya. Ten points for her effort. Hehe.
Hanggang dyan na lang muna. Antok na ako. Itr-text ko pa si Dindee nng "GuD Nyt! I loVe You!"
"ThanX.. Gud nyT!"
":( wlang sagot?"
"BkiT ngtanonG kb?"
":)) do U loVe mE?"
"I do.. GudnYT. Pag ngrePly k pa..babawiin ko ang sagot ko.."
YES!
Di na ako nag-reply..
No comments:
Post a Comment