Followers

Monday, August 11, 2014

Red Diary 162

Kahapon, nagng uneasy ako kasi binigyan na naman ako ng challenege ni Dindee. Sasagutin na daw niya ako pag nagawa ko daw magkabalikan sina Mommy at Daddy.

"Imposible na yun, Dee!" 

"Posible.. Di mo lang yata kaya, e.."

"Imposible na. Lalo na ngayong mahuhumaling na si Daddy kay Mam Dina." Nalungkot ako kasi alam kong di ko kaya. "Pwede bang tumawad?"

"Tawad? ano ako palengke?" Tumawa pa siya. Ako naman, wala pa ring saya sa mukha. Ang hirap kasi..

"Hindi na magiging tayo..."

"O, sige..Ganito na lang. Dapat maisama mo dito si Tita. Dapat pareho nilang alam.."

Lumiwanag ang mukha ko. At least, gumaan ang challenge. Yakang-yaka! "Sige.. Kaya na yan.."

Pinag-isipan ko iyon kagabi.. Pero, hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na paraan kung paano sila pagsasamahin sa bahay.. Napagsama ko lang sila nang Mr. Campus Personality. Hindi na iyon mauulit pa. 

**Isip..

***Isip..

Wala akong maisip. Ituloy ko na lang ang kuwento ko tungkol sa pageant.

Announcement of Top 5.

"Last, but not the least.."sabi ng host. "...Contestant Number 9! Congratulations! You complete the top 5 for Mr. Campus Personality."

Back to zero ang score. 

Q & A na. Napili ko ang judge number 1. Siya ay isang talent manager. Bago niya ako tinanong, pinuri niya ang talent at kapogian ko. Then, nag-offer siya na kukunin niya akong talent. Kung gusto ko daw, bibigyan niya ako ng calling card. Tinawag ang Daddy ko para ibigay na ang calling card.

Tuwang-tuwa ako sa mga sinabi niya. Tuwang-tuwa din sina Mommy at Daddy. Pero, hindi ko pinahalata iyon. Kailangang ko pa ring manalo hindi dahil tipo ako ng manager, kundi dahil mahusay ang sagot ko.

"Sino ang unang taong gusto mong tawagin sa entablado kung sakaling ikaw ang hirangin bilang Mr. Campus Personality 2014? At bakit siya?" ang tanong ng judge number 1.

HIndi na ako nag-atubili. Si Dindee ang sagot ko. "..dahil siya ang babaeng nagkumbinsi sa akin na sumali sa paligsahang ito. Sa kagustuhan kong maging kasintahan siya, pinilit kong magkaroon ng lakas ng loob para dito. Siya si Dindee.. ang babaeng nagpapatibok ng puso ko." Itinuro ko pa siya, kaya naghiyawan ang mga tao.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...