Followers

Saturday, August 30, 2014

Red Diary: May Talent

Kararating pa lang namin ni Dindee. Galing kami sa boarding house ni Mommy. Sabado ng umaga pa kami doon. Sinorpresa namin siya. Since, hindi siya makakadalaw sa amin dahil nagko-compute siya ng grades ng mga estudyante niya, kami ang pumunta. Nagdala na lang kami ng pagkain para di na kami ipagluto ni Mommy.

Ang ingay na naman ni Dindee. Panay ang sumbong kay Mommy. Panay tuloy ang tawa ng aking ina. Kinikilig. 

Sa sala ng bahay si Mommy gumawa ng kanyang schoolworks. Kami naman ni Dindee ay nag-stay sa room ni Mommy. Nagseryoso na ako.

"Kelan mo ba ako sasagutin, Dee?"

"Paulit-ulit ka. Unlimited?!"

"Kasi..antagal ko nang nanliligaw sa'yo e, Panay na nga ang papanasin ko sa'yo."

"Kaya nga, e. KSP ka na nga."

"Sige na kasi.. Tayo na!"

"Tayo ka dyan! Hindi porket malapit ako sa'yo o dumidikit ay tayo na. No, no!"

Nalungkot ako. Seryoso din kasi siya.

"Gawin mo muna ang challenge. Doon ko malalaman kung seryoso ka nga na maging tayo."

"Seryoso naman ako, eh."

Titingnan niya ako sa mata. Pinilit kong di tumawa. Nagtitigan kami. Sobrang tagal kaming nagtitigan, pero bigla na lang akong napatawa. Ang kulit ni Dindee e. Inabot ba naman ng dila niya ang ilong niya. Aba, matindi! May talent..

"Kitam! Hindi ka seryoso!"

"Nagpapatawa ka, e! Ulit, ulit." 

"Hindi na. Hindi ka seryoso." Nagtampo siya kunwari. Tinalikuran ako.

Niyakap ko siya. "Seryoso ako."

Humulagpos siya. "Kailangang yumakap?" Tapos, bumaba kay Mommy. Simula noon, di na kami nagkausap uli. Lagi na siyang nakasunod kay Mommy.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...