Followers

Tuesday, August 12, 2014

Red Diary: Pagtitimpi

Alas-sais na ako nakarating sa bahay. Pina-Guidance ko kasi si Leandro. Nakapunta agad ako sa office kaya naharang sila ng guard. Walang kawala ang siga. Wala ding kawala ang panga ko. Namamaga ito nang tingnan ito ng guidance counselor. 

Second offense na iyon ni Leandro. Parehong pananakit ang kaso niya sa akin, kaya 3-days suspension ang ipinataw sa kanya. 

Hindi na ako naghintay na pag-sorry-hin siya sa akin ni Mam. Nagpaalam na agad ako, since gusto pa siyang makausap ni Mam.

Apologetic ang mga mata ni Riz nang nilingon ko siya bago ako tuluyang nakalabas ng opisina. Hindi naman iyon ang gusto kong makita ko sa kanya. Ang gusto ko ay makipaghiwalay na siya sa kumag na yun. Walang magandang maidudulot sa kanya ang ganung klaseng tao. Bugnutin. Pikon at basagulero.

Hindi na sana mapapansin ni Daddy ang pasa ko sa panga kaya lang hinawakan ako ni Dindee sa pisngi. Napa-aray tuloy ako. Nag-usisa na silang dalawa kaya ipinalam ko na ang nangyari. Mabuti na rin iyon. Alam ko malalaman rin naman ni Daddy dahil  kay Mam Dina.

Hindi naman ako kinontra ni Daddy. Tama lang daw ang ginawa ko. Hindi gaya nung una, na nagalit siya dahil nagpakaduwag daw ako. Ngayon, katapangan na para sa kanya ang pagtitimpi.

Ang masama, hindi ako kinibo ni Dindee hanggang sa mahiga kami. Hindi ko naman siya maitext kasi ubos na ang load ko. Haist! Nagseselos na naman. Ako na nga ang nasaktan, ako pa ang may kasalanan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...