Followers

Thursday, August 21, 2014

Red Diary: Nakakamiss

Last day ng exam. Nakahinga na ako ng maluwag. Medyo nawala na rin ang maga ng panga ko. Tumigil na rin ng pang-aasar ang dalawa. Si Riz ay pilit akong tinitingnan. Apologetic siya. Alam kong hindi niya alam, kaya hindi naman ako nagtatampo sa kanya. Sa boyfriend niya ako nabubuwisit.
Pag-uwi ko, wala si Dindee. Pumunta daw siya kay Mommy. Bago daw mag-alas-7 ay nasa bahay na siya.Hinintay ko siya. Nakakabagot. Kung kelan wala na akong gagawin, saka naman siya wala.
Naggitara na lang ako ng composition ko. At nang inantok ako, natulog na lang ako. Si Daddy na nga ang gumising sa akin. Mga alas-sais na yata yun.
Wala pa rin si Dindee. Nakakamiss. Parang antagal niyang nawala.
Tinext ko siya at ni Mommy. Wala namang nag-reply. Nakipagkuwentuhan na lang ako kay Daddy habang tinutulungan ko siyang maghanda ng lulutuin.
Inumpisahan ko na siyang diskartehan tungkol sa challenge ni Dindee sa akin. Kaso, hindi yata umubra.
Direkta ko na ring sinabi ang challenge.
Magkokomento na sana si Daddy, nang dumating si Dindee. Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Sayang..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...