"Paano kung mahal na nga ni Tito si Mam Dina?" tanong ni Dindee habang nakahiga siya sa mga hita ko at habang nanunuod kami ng TV.
"Di pwede. Ang bata pa ni Mam. Marami pa siyang makikilala. Ayokong maging sila.."
"Mapipigilan mo ba ang Daddy mo?"
"Pwede.. Oo.. Mahirap nga lang.."
"Kaya nga bilisan mo na.. Malay natin.. hindi naman sa hinihingi ko..baka bumigay na si Mam Dina.."
"Yun nga rin ang naisip ko, e.."
"Sa tingin ko.."
"Sana wag naman.."
"Oo nga. Masisira ang buhay niya. Kasal pa kasi ang mga magulang mo.."
"Sana lang matalino din si Mam pagdating sa pag-ibig.."
"Kaya ako..I'll be wise.."
"What do you mean?" Sinapo ko ang pisngi niya at tiningnan ko siya..
"Alam mo na yun.."
"Okay. Tama naman 'yun. Ang mga ganyang bagay ay hindi dapat minamadali. Kasi once na nasira na yan, di na yan maibabalik.."
Natawa si Dindee. "Sana lang mapaninidigan mo 'yang pilosopiya mo, Red.."
"Oo naman!Ako pa!"
Nasa ganung puwesto kami ng may narinig kaming parating. Si Daddy. Agad kaming naghiwalay at sinalubong ko siya. Si Daddy ng.a Lasing siya.
Alas-onse na ng gabi.
Inalalayan ko si Dad. Pasuray-suray na kasi. "Ipaghahain ko na po kayo. Dun muna kayo sa sofa."
"Wag na, Nak. Ihatid mo na ako sa kuwarto. Matutulog na ako."
"Sigurado po kayo?"
"Oo.. A-akong bahala.."
"Sige po." Tahimik ko siyang inihatid sa kuwarto. Tinanggalan ko na siya ng sapatos at medyas pagkatapos kong malapag sa kama.
Alam na namin ni Dindee ng dahilan ng paglasing ni Daddy. Kumpirmado. Inlab siya kay Mam. Kaya lang, binigo siya nito kaya naglasing siya. Salamat naman at naging matalino si Mam.
No comments:
Post a Comment