Followers

Thursday, July 31, 2014

Double Trouble 21

DENNIS' POV

Sweet na magkatabi sina Mama at Papa na nanonood ng TV sa sala. Ako naman ay wala nang magawa. Hindi ko gusto ang pinapanood ng mga magulang ko, kaya na-boring ako. Tapos na rin ako sa assignments namin.

Naisip ko si Denise. Baka wala pa siyang assignment, kayakumatok ako sa pinto ng kuwarto niya. Pinagbuksan naman niya ako agad.

"Hello, 'Nise!" Nakangiti akong binati siya, nang sumungaw siya sa pinto.

"O, Kuya..."

"Nag-assignment ka na?"

"Tapos na po." Hindi naman niya ako sinupladahan.

"Papasok... May itatanong lang ako sa `yo."

Nang makapasok na kami. Patalikod akong tumumba sa kama niya. Nagulat siya sa ginawa ko at nainis.

"Matutulog na ako. Labas na! Ayaw kong makipagharutan sa `yo ngayon... Binata ka na. Dala... Sige na, labas na!"

Natawa ako. "Anong dala?"

"Wala!" Kinuha niya pa ang kamay ko at pilit akong itinatayo. "Labas na kasi!" Mangiyak-ngiyak na siya.

"Hindi ako lalabas."

"Mama, o... si Kuya," sumbong niya, pero hindi naman maririnig ni Mama kasi mahina lang.

"Samahan pa kita."

"Sige, halika. Samahan mo ako..."

"Ayaw ko pa rin!"

"Kulit naman nito!" Asar na si Bro. Si Sis pala.

Lalo niya pa akong hinila. Mabigat ako, kaya hindi niya ako nahila, lalo ko pa kasing binibigatan ang sarili ko. Nang tumigil siya, nagkumot pa ako.

"Kuya, labas na!" Sumigaw na siya.

"Sssh... `Wag kang maingay baka marinig ka... Malalaman nila na... na..."

"Na ano?'

"Basta... May alam ako tungkol sa `yo."

"Ano na naman `yon?!'

"Hindi ba, masayang-masaya si Mama dahil babae't lalaki ang anak nila ni Papa?"

"Oo... E, ano'ng problema mo roon?"

"Wala... May alam kasi ako... tungkol sa `yo. Tiyak, magagalit sa `yo sina Mama. High blood si Mama, `di ba?' Nag-tsk-tsk pa ako.

Nakita kong namula si Denise, kaya bumangon na ako. "Good night, Bro... Sis, pala."

Andami kong tawa nang makapasok na ako sa room ko para matulog. Hindi nakaimik si Denise. Sapul kasi.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...