Followers

Thursday, July 31, 2014

Double Trouble 21

DENNIS' POV

Sweet na magkatabi sina Mama at Papa na nanonood ng TV sa sala. Ako naman ay wala nang magawa. Hindi ko gusto ang pinapanood ng mga magulang ko, kaya na-boring ako. Tapos na rin ako sa assignments namin.

Naisip ko si Denise. Baka wala pa siyang assignment, kayakumatok ako sa pinto ng kuwarto niya. Pinagbuksan naman niya ako agad.

"Hello, 'Nise!" Nakangiti akong binati siya, nang sumungaw siya sa pinto.

"O, Kuya..."

"Nag-assignment ka na?"

"Tapos na po." Hindi naman niya ako sinupladahan.

"Papasok... May itatanong lang ako sa `yo."

Nang makapasok na kami. Patalikod akong tumumba sa kama niya. Nagulat siya sa ginawa ko at nainis.

"Matutulog na ako. Labas na! Ayaw kong makipagharutan sa `yo ngayon... Binata ka na. Dala... Sige na, labas na!"

Natawa ako. "Anong dala?"

"Wala!" Kinuha niya pa ang kamay ko at pilit akong itinatayo. "Labas na kasi!" Mangiyak-ngiyak na siya.

"Hindi ako lalabas."

"Mama, o... si Kuya," sumbong niya, pero hindi naman maririnig ni Mama kasi mahina lang.

"Samahan pa kita."

"Sige, halika. Samahan mo ako..."

"Ayaw ko pa rin!"

"Kulit naman nito!" Asar na si Bro. Si Sis pala.

Lalo niya pa akong hinila. Mabigat ako, kaya hindi niya ako nahila, lalo ko pa kasing binibigatan ang sarili ko. Nang tumigil siya, nagkumot pa ako.

"Kuya, labas na!" Sumigaw na siya.

"Sssh... `Wag kang maingay baka marinig ka... Malalaman nila na... na..."

"Na ano?'

"Basta... May alam ako tungkol sa `yo."

"Ano na naman `yon?!'

"Hindi ba, masayang-masaya si Mama dahil babae't lalaki ang anak nila ni Papa?"

"Oo... E, ano'ng problema mo roon?"

"Wala... May alam kasi ako... tungkol sa `yo. Tiyak, magagalit sa `yo sina Mama. High blood si Mama, `di ba?' Nag-tsk-tsk pa ako.

Nakita kong namula si Denise, kaya bumangon na ako. "Good night, Bro... Sis, pala."

Andami kong tawa nang makapasok na ako sa room ko para matulog. Hindi nakaimik si Denise. Sapul kasi.


Double Trouble 20

DENISE' POV

Hindi ko naman talaga binigay kay Denise ang love letter ni Nerdie kay Krishna. Para ano? No way! Hindi ako patatalo. Kaya nga, hindi ko rin sinabi kay Kris, kasi baka ma-in love pa siya sa kapatid ko. Kahit gano'n `yon, alam kung madiskarte `yon. Baka daanin niya sa mga high fallutin words niya, na pinag-aralan niya ng 14 years. Malalaos si Merriam.

Tahimik kaming umuwi ni Kuya. Hindi niya ako kinikibo sa dyip. Hindi ko rin siya kinausap, humiwalay kasi ako ng upuan. Sa bungad siya nakaupo, ako, sa likod ng driver. Hindi ko siya tinitingnan.

Kinapa ko sa bulsa ko ang love letter niya. Andoon pa. Akala ko, nahulog na.

Pag-uwi namin sa bahay. Tahimik pa rin kaming nagmeryenda. Pagkatapos, hinayaan ko na siyang manood ng TV sa sala. Ako naman ay nag-lock sa kuwarto ko.

Binasa ko ang love letter niya, na para sana kay Krishna.

Dear Krishna,

How are you? I hope you're always fine, like me.

I wrote this letter because I wanted to tell you what I feel for you. I could not keep it anymore. It's been a long time, since I started admiring you. Your eyes that make me smile every time they meet mine. Your smile that completes my day is what I'm longing for every day. You, alone, are my inspiration.

It's hard to do this, but I tried. I know you're a star, but I like to touch you. Please, permit me to court you. Please, give me a chance to prove you my sincerest affection. If you will let me enter your life, I'll be the happiest person in the world. And, if you accept my heart, I promise, you'll be the queen of my life.

Take care always! I love you!

Dennis,

Shit! Mabuti na lang, hindi ko naibigay, kundi kinilig si Krishna. Kinilig nga ako, siya pa kaya.


Hijo de Puta: Singkuwenta y nuwebe

Sa sobrang kabiguan ko, nagdesisyon uli akong sumayaw. Kinausap ko sina Lemar at Jake. Nakiusap ako na kung maaari, isali nila ako sa show. Pumayag naman sila. 

Hindi ko sa kanila sinabi ang kabiguan ko. Sabi ko lang na gusto kong kumita ng malaki ng pera. Hindi ko rin sinabi kong bakit.

Ang gusto ko lang kasi ay malaki ang perang ibabayad ko kay Lianne. Ita-table ko siya at kung papayag siya, ikakama ko siya at babayaran ng malaki. Kung iyon ang gusto niya, araw-araw ko siyang ikakama hanggang makaraos siya sa krisis pinansiyal. Tutal ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa iba, o sa akin, dapat sigurong may kapalit ang ibibigay ko. Tutal, wala na rin ang respeto at paghanga ko sa kanya. Libog na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Tulad ko, marumi na siya.

Bago mag-ala-dose ng hating-gabi, tinext ko si Paulo. "KmsTa ang taTay ni LianNe?" Mas naaawa ako sa ama ni Lianne. Malaki ang pagpaphalaga ko sa mga ama, kahit namulat akong walang father figure. Gusto ko pa rin itong tulungan, kahit di na malaman ni Lianne o kahit wala na akong pagmamahal sa kanya. 

"Hnd mBti. KaiLngan n mgCheMo.."

Nabagbag ako sa nabalitaan ko. Kailangan ko sigurong kumita nag malaki para makatulong ako sa tatay ni Lianne. Inspirado akong sumayaw. Sana may magyaya sa akin na ikama ako..

Umusok na ang entablado.. Lumabas sina Lemar at Jake. Gumiling-giling sila na tanging puting underwear lang ang suot. 


Red Diary 147

Goodluck Kiss

Maghapon kaming nag-practice kaya wala ako sa classroom. Excused naman ako, kaya okay lang. Ang hindi lang okay ay ang makita ko sina Riz at Leandro na napaka-sweet, habang kami ay nagsasayaw para sa production number namin bukas ng gabi.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Wala naman akong dapat na pakialam sa kanila, pero bakit selos na selos ako tuwing iikutan ni Riz si Leandro na tila inaakit niya ito? Feel na feel nila. Gusto kong maniniwala na magkasintahan nga sila.

Maliban sa pagsayaw nila, naiinggit din ako sa tawanan nila nang break namin. Samantalang ako, boring na boring kay Michelle. Hindi man lang ako matawa sa mga hirit niya.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanila." Napansin ako ni Michelle."Move on Red. Di mo ba nakita?"

"Wala akong pakialam sa kanila. Asiwa lang kasi ako sa mga galaw nila. OA!"

"OA pala..e di wag mong tingnan! Maiinis ka lang lalo.. Bakit di na lang.. ako ang tingnan mo?!"

Boom panes! Napangiti na lang ako sa kanya. Tapos, nag-excuse ako nang lumapit pa siya sa akin para humilahid. Asiwa. Napatingin tuloy si Riz. Baka inisip pa niya na nagpapaselos din ako.


Umuwi agad ako pagkatapos ng final rehearsal. Nagpapahatid si Michelle. Hindi ko hinatid. Sabi ko, nagmamadali ako dahil maghahanda pa ako ng mga isusuot ko bukas.

Tinulungan naman ako ni Dindee at Daddy sa paghahanda. Nagplantsa si Dindee. Si Daddy naman ay nag-isa-isa ng mga maaari kong nakalimutang ihanda. Pina-charge ko naman kay Dindee ang DSLR niya para sa picture-picture.

All set! Ready na rin ang talent ko at ang self-introduction.

Tinext ko na lang si Mommy. Ni-remind ko siya. Try daw niyang makapunta.

I thanked Dindee para sa lahat ng tulong niya bago ako pumasok sa kuwarto para magpahinga.

"Good luck!" sagot niya. Then, she kissed me..sa cheeek.

A goodluck kiss.. 

Don’t Shake Hands. It’s Deadly!



           “Shaking hands or handshakes” is a form of courtesy and interpersonal communication. However, it is deadly.

           Dr. Dave Whitworth pioneered the study of the impact of handshakes in the transmission of bacteria, germs or diseases. He is now encouraging the people to avoid this practice. He then pushed the fists bump in reducing the possible spread of fatal elements to human body. His discovery has agreed by the U.S. President, Barack Obama and his wife.


         Whether it is deadly or a form of respect, it is better if we use hand sanitizer and disinfectant after shaking hands with other.

Wednesday, July 30, 2014

Red Diary 146

Good Night and Good Bye


"Pwede ba kitang yakapin?" tanong ko kay Dindee nang makauwi ako sa bahay. 

"Red? Bakit? Di ba...?"

"Sige na, please.. Alam ko, bawal..pero pagbigyan mo lang ako ngayon.. Bawasan mo na lang ako ng points.." Kahit seryoso ako, natawa pa rin si Dindee.

"Sige..pero, sandali lang ha?"

Hindi na ako nagsalita. Niyakap ko kaagad siya. Mahigpit. Sumandal ako sa balikat niya.. Ramdam ko ang tibok ng puso niya. 

Gusto kong umiyak. Gusto kong tumangis dahil iniwan na ako ng dati kong dreamgirl. Isa na lang siyang panaginip ngayon...

"Huwag mo akong iwan, ha?" halos pabulong kong sabi sa kanya..

"Red? Bakit mo nasasabi yan?' Bumitaw na siya sa pagkakayakap ko.

"Salamat sa yakap mo, Dee.."

"May problema ka ba? Sabihin mo sa akin.."

Umupo ako sa sofa. Tinabihan niya ako at humarap sa akin. Sinapo niya ang mukha ko at itinaas. Tiningnan niya pa ako sa mata.

"Tumingin ka sa akin, Red.. Anong problema? Sabihin mo.."

"Wala.. Ipangako mo lang na hindi mo ako iiwan.."

"I promise.. Hindi ako aalis. "

"Salamat, Dee.."

Tinapik niya pa ako sa balikat bago ako tumayo. "Sige na, bihis ka na.."

Masakit palang magmahal. Masakit maiwanan. Pero, alam ko, nasaktan ko rin si Riz.. Mas nasasaktan nga lamang ako dahil ganun lang siya kabilis nakahanap ng kalapit ko. Of all people, si Leandro pa. 

"Good night and good bye, Riz!" Tinext ko siya, bago ko sinet ang orasan ko para mag-alarm. Maaga ako bukas.

My Wattpad Lover: Bye

Tinawagan ko si Gelay pagkatapos ng klase at habang hinihintay ko ang pagdating ni Daddy. 

"Hello, Gel?!"

"Hello, Zil?!" Malamig ang boses niya. 

"Kumusta ka na?"

"Mabuti."

"Bakit parang iba ang boses mo? May sakit ka ba?" Alam kong nagtatampo siya sa akin. Gusto ko lang umamin siya.

"Wala. Pagod lang ako. Nag-practice kasi kaming Glee Club.."

"Ah. Musta naman ang practice niyo?" Wala na akong masabi kaya ganun na lang ang tanong ko.

"Okay naman."

Nang wala na talaga akong masabi, "Sorry nga pala.."

"Saan?"

"Sa..sa di ko palaging pagtetext at pagcha-chat sa'yo.."

"Okay lang. HIndi rin naman ako makapag-text at chat sa'yo regularly."

"Paraeho kasi tayong abalang-abala.."

"Oo.. Wala namang problema. Unless, may iba ka na.."

Whoaah! Nag-iba yata ang tono ng pananalita si Angela. Tila, may naamoy na malansa. Nag-deny ako, dahil wala naman talaga. Hindi pa kami nagkita uli ni Arla maliban sa madalas kaming magkatext. Magkausap sa telepono at magka-chat pa.

"Ha? W-wala.. Wala akong iba.. Super busy ako para maghanap ng iba. Saka, alam mo naman na ikaw lang ang minahal at minamahal ko."

Natawa si Gelay. "Andami mong sinabi. Guilty ka ba?"

"Hindi, ah.."

"Okay! Pero sana.. kung ako ang minahal at minamahal mo, ako lang din sana ang mamahalin mo.."

Makahulugan ang tinuran ni Angela. Hindi agad ako nakapag-react.

"Oo, Gel.. Ikaw lang.."

"Salamat, Zil."

Dumating na si Daddy kaya nag-bye na ako kay Gelay.

Paalam, Lolo

Lolo, paalam na sa' yo
Nagtatangis iyong apo
Ngunit may ligaya sa puso
Pagkat kabilang- buhay iyong tungo
Poong Maykapal, makakasama mo

Mahal na mahal kita Lolo
Pagmamahal alay ko sa iyo
Mga aral n aking natamo
Mga alaalang ibinahagi mo
Di malilimot, isasabuhay ko

Red Diary 145

Sulat

Kasisimula pa lang ng klase, inabutan na ako ni Roma ng isang tinuping papel. Mabangong stationery. Ito'y isang sulat galing kay Riz. 

Hindi ko muna binasa dahil makikita ni Mam Valbuena at ng mga kaklase ko. Nang nag-CR ako saka ko lamang binasa.

Red,
Salamat sa mga ngiti na dinulot mo sa akin. Salamat din sa sweetness at sa friendship mo. Somehow, naging masaya ako nang mga panahong wala pa tayong nararamdaman sa isa't isa. Sana nga, hindi na lang ako nagparamdam ng pag-ibig ko sa'yo para hindi mo rin naramdaman ang naramdaman ko.
Gayunpaman, maraming salamat! 
Hindi na ako umaasang maibabalik ang dati nating pagkakaibigan. Alam ko, magiging maligaya ka naman sa piling ni Dindee.
Sorry din sa mga sakit na ibinigay ko sa'yo. Iyon ay bahagi lamang sana ng pagsubok ko sa'yo.. Pero, huli na ang lahat. Pareho na tayong masaya sa piling ng iba. Ikaw, kay Dindee. Ako, kay Leandro. 
Hanggang dito na lang.
Goodluck! Sana ay manalo ka bilang Mr. Campus Personality.
                                                                                                                                            Riz,

Napaluha ako sa sulat niya. Huli na pala ang lahat. Hindi ko na siya mababawi, ngayong sila na ni Leandro.

Akala niya lang, kami na ni Dindee. Nagkakamali siya. Patuloy pa rin niya akong sinusubok. Maaari akong mabigo. Maaaring pareho silang mawala sa akin..

Nagsisisi ako..

Liham, Lihim #11

Red,
Salamat sa mga ngiti na dinulot mo sa akin. Salamat din sa sweetness at sa friendship mo. Somehow, naging masaya ako nang mga panahong wala pa tayong nararamdaman sa isa't isa. Sana nga, hindi na lang ako nagparamdam ng pag-ibig ko sa'yo para hindi mo rin naramdaman ang naramdaman ko.
Gayunpaman, maraming salamat! 
Hindi na ako umaasang maibabalik ang dati nating pagkakaibigan. Alam ko, magiging maligaya ka naman sa piling ni Dindee.
Sorry din sa mga sakit na ibinigay ko sa'yo. Iyon ay bahagi lamang sana ng pagsubok ko sa'yo.. Pero, huli na ang lahat. Pareho na tayong masaya sa piling ng iba. Ikaw, kay Dindee. Ako, kay Leandro. 
Hanggang dito na lang.
Goodluck! Sana ay manalo ka bilang Mr. Campus Personality.
                                                                                                                                            Riz,

My Cat


          I love pets. I have aquarium, with dozens of goldfish, one pair of angel fish and tiny turtle on it. I have three pairs of love birds. I also have a black puppy and bantam and Texas chickens. But, my favorite pet is a cat.

          I have a cuddly fat cat. Her name is Sussy. Her fur is shiny white, with orange spots. Her whiskers are so pretty to look at, which attract me most. Her claws are not that pointed. They are slightly curved, so it does not harm me. Her tail, which is longer than her body, has evenly three orange stripes. Her eyes are blue like menthol candies. Her tiny lips are pinkish and wet. Her rosy tongue is rarely seen. But, the smell of it is something you will not hate.

         She is one year and six month old now. She is bigger than her age.

         She eats what I eat. But, she does not devour food. She chews food slowly like a lady. However, she never left her plate half-empty. In other words, she has table etiquette if she is human.

         Good thing about my pet cat is that she does not "poo" inside our house. She would find the farthest place to fulfill her bowel problem. She is indeed a disciplined cat, unlike others that is a family burden and most hated pet due to stinky manure, they leave elsewhere in any dark corners of the house.


         She is not just cuddly, she is also lovable and friendly. She is always with me. She sleeps with me. She comes with me at the park. Although, she cannot go with me to school, she always bade goodbye to me every time I am about to leave to school, by crisscrossing under my feet.

       That is my favorite pet, Sussy!

Hijo de Puta: Singkuwenta y otso

Imbes na magpakita ako kina Lianne at Paulo, ako pa ang nagtago. Ako pa ang nahiya sa kanila. Bigla kasi akong nanlamig at nanliit. Hindi ko akalaing itinago pa sa akin ng babaeng iniibig ko ang kanyang totoong trabaho.

Nang makaalis na sila sa lugar na iyon, saka ako lumayo. Naglakad ako. Tila walang direksyon ang aking paglakad. Mabigat ang aking dibdib. Laylay ang aking balikat.

Binigo ako ni Lianne. 

Akala ko, ako lang ang nagkukubli sa dilim at ilaw ng malibog na ilaw ng entablado. Isa din pala siyang bayaran, isang puta.

Gusto kong balikan ang club pero naisip ko, hindi ko na rin sila maaabutan. Isa pa, parang nabawasan ng bahagya ang respeto at pagmamahal ko kay Lianne. Hindi ko alam kong matatanggap ko pa ang babaeng katulad ko na nagbebenta ng aliw. Hindi ang kagaya niya ang pangarap kong maging ina ng magiging supling ko.

....pero mahal ko siya. Kaya ko nga ititigil ang pagsasayaw dahil sa kanya. Ngunit, wala na palang halaga...

Pagdating ko sa bahay, saka ko lamang naisipang i-text si Lianne at si Paulo. Sabi ko: "nkita ko kau sa CherrY BlossOms.."

Lianne:"KeLan?"

Reply naman ni Paulo ay"sAn Un?"

"WaG n tyonG mglihiMan.." sagot ko sa kanilang dalawa. Tapos, di na sila nag-reply..


Tuesday, July 29, 2014

Red Diary 144

Videoke

Masaya kaming nag-practice ni Dindee. Kabisado ko na ang pagpapakilala ko sa sarili. 

Since, ready na ang talent ko. Ginawa naman namin ang Ifugao costume ko. Gumawa kami ng headgear at sibat, na makakadagdag atraksiyon sa akin. 

Next, nakipagkantahan kami ni Dindee kay Daddy. Pagka-lunch kasi namin ay sinimulan na niya ang pagvideoke. Noon ko naisipan na dagdagan ng dalawa pang kanta ang talent ko. Pero, chorus lang ang kakantahin ko dun sa dalawa. Dalawang masayang kanta ang pinili ko para pang-alis suya sa kanta kong parang harana.

Hindi iyon alam ni Dindee na isasama ko sa talent ko. Acapella lang ang dalawang kanta. At siyempre, gigitarahan ko naman ang original song ko.

Excited na ako sa pageant. Excited na nga rin si Dindee.

Matutulog na nga ako para mabilis na mag-Friday.

Ngayon-ngayon lang, Tinext ako ni Riz. Sabi niya: "Ok lng..kung san K msya.'' May sad sign pa siya.

Hindi ko na lang siya ni-reply-an, kahit naaawa ako sa kanya. Ayokong malaman ni Dindee na sa text pala ay may communication pa kami. Kailangan ko na siyang iwasan ng tuluyan.

Deleted messages na ang mga text niya. Sana hindi na rin niya ako i-text. Sana matanggap na niya na wala ng Red na susuyo sa kanya. Matatanggap ko na kung liligawan o sasagutin siya ni Leandro.

......Para sa ikaliligaya ko sa piling ni Dindee

Teacher Abuse

I also have been a pupil, but I never abused my teachers. I just gave them favor, respect, honor and joy. I never been a Calvary to any of them, nor I put shame to my school or even to my adviser. I merely respected them, I treated them as my second parents and I obeyed them I long as I could.
           What happened to this generation?
           I cannot see the high regard for us. I started wondering if there is a need to be proud of because the future depends on us. I don’t think the so-called future-of-the-nation is treating us humanely. They don’t even know how to say ‘’opo’‘or “po”. They also forget to build a gap between us. They thought we are on the same level, that they wanted always to come near us or they idiomatically and literally wanted to sit on our chair.
           The alarming thing is teachers today has been victimized by the pupils/parents scandalous acts, which are not favored by the authority or government. If one teacher has hurt a pupil when he was in the midst of his anger, it is child abuse. If a teacher curses a pupil, when the pupil made/showed an exasperating behavior, it is child abuse. If he threatens a pupil/student that he will be expelled, dropped or failed, it is child abuse. But if they were being naughty, noisy and destructive, is it teacher abuse?
           I think, no pupil or student would be pleaded guilty if they made a mischief with the school or with a teacher. They will only be suspended or be brought to the guidance counselor and be asked to write a promissory note. They will not be discharge in studies. It’s unfair!! Where’s the justice? Who will protect teachers’ right? How can we inspire students to take Education course if they will only be convicted in the future and will not be given an opportunity to defend himself for guilt that might be a fabrication?
          I hope the word teacher abuse makes sense. This is an eye-opener for all of us. Let’s give the teachers something to be proud of. Don’t let them down when the going gets rough, yet protect and support their fights against child abuse. Open our eyes. Pupils and students nowadays are very far from what we were before. They are exactly our opposites.
           Before, we had disciplined ourselves, we respected our teachers, we look up to them highly and we treated them just like how we treated our parents. We studied well. We had focus. We got high grades. We learned a lot—from academics to real life situations. We did not know what child abuse means. We in fact accepted how we penalized by our teachers. Most of all, we are gotten by just a look in our eyes. We are never cursed, never reprimanded and threaten. We are only praised and applauded.
        To the authorities, please hear my plea.

Liham, Lihim #10

Dear Krishna,
      How are you? I hope you're always fine, like me. 
     I wrote this letter because I wanted to tell you what I feel for you. I could not keep it anymore. It's been a long time since I started admiring you. Your eyes that make me smile everytime they meet mine. Your smile that completes my day is what I'm longing for everyday. You, alone, are my inspiration. 
     It's hard to do this but I tried. I know you're a star, but I like to touch you. Please, permit me to court you. Please, give me a chance to prove you my sincerest affection. If you will let me enter your life, I'll be the happiest person in th world. And, if you accept my heart, I promise, you'll be the queen of my life..
      Take care always! I love you!
                                                                                                                                            Dennis,

Alter Ego: Dugo

Third year high school na si Paul. Tanggap na niya ang pagkamatay ng kanyang ina. Ngunit, hindi pa rin siya napapatawad ng kanyang ama. Madalas pa rin itong umuwi ng lasing at sisihin siya. Halos gabi-gabi siya nitong inaalimura.

Isang gabi---alas-onse ng gabi, sunod-sunod na katok ang narinig ni Paul mula sa pinto ng kanyang kuwarto. 

"Paul, buksan mo ang pinto!" sigaw ng kanyang Daddy. Lasing ito.

Agad na bumangon si Paul at pinagbuksan ang ama.

"Dad? Lasing na naman po kayo."

"E, ano ngayon? I-ikaw ba ang nagpapainom sa akin?'

"Hindi po.. Gabi-gabi na lang po kasi kayong lasing.."

"Wala kang pakialam! Hala sige.. bumaba ka at panhikan mo ako ng pagkain." Makapangyarihan ang boses ng ama. Noon lamang siya inutusan ng ganun sa ganung oras. Madalas, hindi na kumakain ang ama. Natutulog na lang ito pagkatapos siyang pagsalitaan ng kung anu-ano.

"Pero. Dad.. wala na pong pagkain. Di ba po, hindi naman kayo kumakain dito? Hindi po ako nagluto.."

"E, di.. magluto ka! Punyeta ka! Anong silbi mo kung di mo ako pagsisilbihan?!" Kinuha pa niya ang kuwelyo ni Paul at itinulak siya palabas.

Napilitang magsaing si Paul. Mabigat ang loob. Nasasaktan siya ng husto ngayon. Hindi na maganda ang trato ng kanyang ama sa kanya.

Dumating ang Daddy ni Paul sa kusina habang di pa kumukulo ang sinaing niya. "Gutom na gutom na ako, Paul! Demonyong bata ka! Hindi mo man lang ako inisip. Asan na ang pagkain ko?!" Nanlilisik ang mga mata nito.

"Nagsasaing pa lang po ako, Dad.. Teka po, titimpalahan ko na lang po kayo ng kape.."

"Tarantado!" Binato niya si Paul ng maliit na jar nakapatong sa tabi ng microwave oven, na naging dahilan para matumba si Paul. Sa ulo kasi siya natamaan. "Tanga! Bobo! Hindi na ako kakain!" Umalis ang ama nang hindi tiningnan ang anak.

Umaagos ang dugo mula sa ulo ni Paul. Nawalan siya ng malay.

Monday, July 28, 2014

Red Diary 143

Miss Aklan 2013


Walang pasok ngayon. Kaya, kumpleto kami sa bahay. Sayang lang dahil hindi ko makausap si Dindee. Maririnig kasi ni Daddy.

Gayunpaman, nagpansinan kami ni Dindee. Tinimplahan niya nga ako ng kape. Tapos, tinanong niya ako kong ayos na ang sasabihin ko sa introduction ng sarili sa Biyernes. Kailangan kasing magpakilala. Mabuti naalala niya, kasi hindi pa ako naghanda. Sa practice naman kasi namin ay hindi kami pinagsalita para daw walang gayahan. Pinag-rampa lang kami.

'Halika, doon tayo sa labas. Turuan kita." Tapos, parang bata niya akong hinila palabas. Sumunod na lang ako.

Mahusay ang ginawa niyang self-introduction. Nagustuhan ko. Iniba niya lang daw ng kaunti ang ginamit niya noong sumali siya sa Ms. Aklan 2013.

"Miss Aklan ka pala?" bulalas ko. Matagal na kaming magkasama pero ngayon ko lang nalaman.

Tumango lang siya. At ngumiti..

"Wow! You deserve it.." Lalo akong humanga sa kanya. Hindi lang pala siya maganda at sexy, matalino pa. Hindi kasi magiging beauty queen ang isang babae kung walang laman ang ulo. Napaka-down-to-earth pa niya. Hindi niya ipinagyabang sa akin ang achivement niya.

Lalo akong na-inspire na maging titlist. Hindi man ganun kataas ang level ng pageant na sasalihan ko, kailangan kong manalo para pareho na kami. Siya ay reyna. Ako ay hari. Kulang na lang ng kaharian. Pero, siya ang reyna sa puso ko..

Napangiti akong bigla sa iniisip ko.

"Napapangiti ka dyan, ah. O, sige na.. game na."

"Sandali lang..di ko pa memorize,e .."

"Slow lang ang peg? Joke.. Sige..I'll give you, two minutes to memorize.. Kukunin ko lang ang cellphone ko sa loob."

Tumango ako. Tumalikod na siya. Pinagmasdan ko siyang maglakad. Wow! Walang sinabi ang katawan ni Riz! Witiwew! Miss Aklan 2013 talaga siya..

My Wattpad Lover: Busy

"Zillion, kumusta na kayo ni Angela?" tanong ni Daddy habang nagdi-dinner kami isang gabi.

Nginuya ko muna ang isinubo kong pagkain. Si Mommy naman, nagsalita din. "Nagiging busy ka yata lately."

"We're okay, Dad! Busy lang po talaga. Mommy, andami kasing activities sa school. Nagli-layout na rin po kami ng school paper namin.."  sagot ko nang nalulon ko na ang pagkain sa bibig ko. Hindi ako sanay magsinungaling, kaya muntik na akong mahalata. Totoo namang feature editor ako ng school paper namin na Bravery. Ang hindi lang totoo ay busy ako. Hindi naman ako ganun kaabala para mapabayaan ko na si Angela. Sadya lang talagang malamig na ang pagmamahalan namin.

"Ah, ganun ba?!" si Mommy. Kumbisido.

Pero si Daddy, hindi. "Balita ko.. bihira ka na mag-text, makipag-chat kay Gelay.."

"Po?" Nabigla ako. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Nagtatanong sa akin ang aking Wattpad pamangkin na iyong Wattpad lover. Ano daw ba ang pinagkaka-busy-han mo?"

"Yun nga po, Dad!" mabilis kong sagot. Napasubo din ako agad ng pagkain.

"Anak.. ipinaglaban ni Gelay ang pag-ibig niya sa'yo. Saksi ako kung paano kayo naghiwalay at nagkabalikan.. Although, mga bata pa kayo, pinayagan ko kayong mag-ibigan. Pero, ngayong nagiging abala ka sa mga bagay at napapabayaan mo na ang relasyon niyo, hindi naman ako papayag na masira iyon. Inspirasyon niyo ang isa't isa.."

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang si Daddy. 

"Zillion, tama ang Daddy mo. Huwag mong pabayaang masira ang relasyon niyo ni Gelay. Napakabait niyang. Kaya nga pinapayagan ka namin sa mga gusto mo. Kapag gusto mo siyang makita, hinahatid ka ng Daddy mo..." ani Mommy.

"Sorry kung naging busy rin ako. Hindi na kita maihatid para magkita kayo. But, I'm trying to find time.. "

"Okay lang po, Dad. Hayaan niyo po.. Sisikapin kong makipag-communicate kay Gelay lagi.." pangako ko. Pero, hindi ko alam kung magagawa ko, ngayong si Arla na ang laman ng isip ko.

Hijo de Puta: Singkuwenta y siyete

Tatlong minuto bago mag-alas-kuwatro ay palabas na ako ng Xpose Bar. Sa labas, hindi agad ako lumayo. Tiningnan ko ang kabuuan ng building ng mahigit isang taon kung pinagtrabahuan. Nalulungkot akong magpaalam sa kaniya pero buo pa rin ang loob kung tuparin ang pangarap ko sa ibayong dagat. 

Naglakad ako palayo sa bar, ngunit hindi para umuwi kundi para pumunta sa Cherry Blossoms Club. Hindi pa rin ako mapakali sa aking kutob. Naniniwala akong si Lianne iyon. Doon siya nagtratrabaho.

Madilim pa nang narating ko ang club. Para di ako makilala agad, sinuot ko ang black hoodie ko. Hindi na ako pumasok. Nag-abang na lang ako katapat na establisyamento. Mula doon ay natatanaw ko ang mga lumalabas na parokyano ng bar. 

Mahigit isang oras akong naghintay at nagmatyag. Maliwanag na rin kaya mas namumukhaan ko ang bawat babae o empleyadong lalabas ng club. 

Maya-maya, isang dyip ang tumabing sa aking harapan. Nainis ako dahil naharangan ang minamatyagan kong tatlong mga babae na kausap ang guwadiya. Kaya lang, kumabog ang dibdib ko nang makilala ko ang lalaking bumaba mula sa dyip. Si Paulo, naibulalas ko sa isip ko. Hinagilap ko ang panyo ko sa bulsa at ipinantakip ko sa aking bibig.

Nag-abang si Paulo sa labas ng club. At tatlong minuto ang lumipas, sumungaw si Lianne sa pintuan ng Cherry Blossoms Club. Maiksi ang kanyang suot, kumikintab. Luwa rin ang kanyang malulusog at mapuputing dibdib.


Kumpirmado.. Si Lianne nga siya. Nanlumo ako. 

Red Diary 142

Bad Mood

Pumasok ako sa kuwarto pagkatapos kong magligpit sa kusina. Nag-goodnight na ako kay Dindee at kay Daddy. 

"Ang aga mong matutulog ngayon, ah?" sabi ni Daddy.

"Napagod po kasi ako sa practice namin kanina.." pagsisinungaling ko. Ang totoo mabigat ang loob ko sa ginawa ko. Alam ko rin na nahalata ni Dindee ang bad mood ko.

"Sige na. Pahinga ka na. Good night!" 

Pumasok na ako. Nagkatinginan pa kami ni Dindee bago ako tuluyang makapasok sa kuwarto. Tapos, nahiga na agad ako. Maya-maya naman, nag-ring ang cellphone ko.It's a text message from Dindee. It says: "Di mo sna gnwa kung di mo kya.."

"Wat do u mean?" maang-maangan ko. Alam ko naman na ang tinutukoy niya ay ang pag-unfriend ko kay Riz.

"I knw u knw it.. Add her again, pra di ka nallungkot.."

"No! I did it pra stin.."

"Ok..bt y r u sad?"

"db nga pagod aq.. sori..bukas na tyo mg-usap. Wla nmn psok bkas. Gudnyt n. Sleep k n rn.."

"cge. pasok n aq ng rOom.. Good NIghT!  <3"

"<3"

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay magtatampo na naman siya sa kinilos at ipinakita ko. Hindi ko lang kasi matanggap kaagad na dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay igi-give up ko pati ang friendship ko kay Riz..

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...