Followers

Monday, July 28, 2014

Red Diary 143

Miss Aklan 2013


Walang pasok ngayon. Kaya, kumpleto kami sa bahay. Sayang lang dahil hindi ko makausap si Dindee. Maririnig kasi ni Daddy.

Gayunpaman, nagpansinan kami ni Dindee. Tinimplahan niya nga ako ng kape. Tapos, tinanong niya ako kong ayos na ang sasabihin ko sa introduction ng sarili sa Biyernes. Kailangan kasing magpakilala. Mabuti naalala niya, kasi hindi pa ako naghanda. Sa practice naman kasi namin ay hindi kami pinagsalita para daw walang gayahan. Pinag-rampa lang kami.

'Halika, doon tayo sa labas. Turuan kita." Tapos, parang bata niya akong hinila palabas. Sumunod na lang ako.

Mahusay ang ginawa niyang self-introduction. Nagustuhan ko. Iniba niya lang daw ng kaunti ang ginamit niya noong sumali siya sa Ms. Aklan 2013.

"Miss Aklan ka pala?" bulalas ko. Matagal na kaming magkasama pero ngayon ko lang nalaman.

Tumango lang siya. At ngumiti..

"Wow! You deserve it.." Lalo akong humanga sa kanya. Hindi lang pala siya maganda at sexy, matalino pa. Hindi kasi magiging beauty queen ang isang babae kung walang laman ang ulo. Napaka-down-to-earth pa niya. Hindi niya ipinagyabang sa akin ang achivement niya.

Lalo akong na-inspire na maging titlist. Hindi man ganun kataas ang level ng pageant na sasalihan ko, kailangan kong manalo para pareho na kami. Siya ay reyna. Ako ay hari. Kulang na lang ng kaharian. Pero, siya ang reyna sa puso ko..

Napangiti akong bigla sa iniisip ko.

"Napapangiti ka dyan, ah. O, sige na.. game na."

"Sandali lang..di ko pa memorize,e .."

"Slow lang ang peg? Joke.. Sige..I'll give you, two minutes to memorize.. Kukunin ko lang ang cellphone ko sa loob."

Tumango ako. Tumalikod na siya. Pinagmasdan ko siyang maglakad. Wow! Walang sinabi ang katawan ni Riz! Witiwew! Miss Aklan 2013 talaga siya..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...