Kagabi, may kainuman si Daddy. Katrabaho niya. Tatlo silang nag-inuman sa labas ng bahay. Naiwan kami ni Dindee sa sala. Kaya, malakas kaming nagkukuwentuhan. Kinuwento ko sa kanya ang mga pangyayari sa meeting naming candidates kay Sir Brioes. Tawa siya ng tawa sa reaksyon ni Riz.
"Pakipot kasi siya. Tapos, ngayon, masasaktan siya." komento ni Dindee.
No comment naman ako. Iniba ko na lang ang usapan. Napunta sa mga costumes ang usapan namin. Sabi ko sa kanya na namumublema ako sa mga susuotin ko. Hindi pa kami nakapag-usap ni Daddy dahil nga may bisita siya.
"Text mo si Tita Remy.'' payo niya.
Oo nga. Noon ko lang din naalala si Mommy. Kaya, habang nag-uusap kami, tinext ko na si Mommy. Nag-reply naman agad ang aking ina. Pinapupunta ako sa boarding house niya.
"Samahan kita, bukas..gusto mo?" alok ni Dindee. "Gusto ko na ring makita si Tita at makarating sa boarding house niya."
Hindi ako tumanggi. Gusto ko siyempre na makasama siya. Yehey, ang sabi niya.
Tapos, napunta naman sa points ko ang usapan namin. Sabi ko, "May points din ba ako pag ako ang naging Mr. Campus Personality 2014?"
"Ha? A..e, sige.. Kaya galingan mo."
"Gagalingan ko talaga dahil may points pala ako sa'yo. Hehe!"
"Tama yun dahil kapag nagpatalo ka, back to zero ang point mo."
"Hala! Bakit ganun?!"
"Siymepre para may thrill.. Lugi naman ako kung puro plus. Dapat may minus din.. Natawa kami pareho.
No comments:
Post a Comment