Followers

Saturday, July 19, 2014

Double Trouble 13

DENNIS' POV

Wala pa sina Mama at Papa, pagdating namin sa bahay. Maaga pa naman. Saka kung mauna man sila, dalawa kami ni Denise na pagagalitan.

Nagpalit agad ako ng pambahay. `Tapos, nauna akong pumuwesto sa sofa at agad kong binuksan ang TV. Hawak-hawak ko ang remote control. Sa Discovery Channel ko binukas. Ang ganda ng palabas.

Hindi ko namalayang nakaupo na si Denise sa isahang sofa. Nakataas ang kilay. Alam ko kasing ayaw niya ng ganoong uri ng palabas. Nauna ako, e. Wala siyang magagawa.

Hindi nakatiis ang kapatid ko. "Lipat mo na `yan, Kuya. Boring naman."

"Informative naman. Marami kang matututuhan." Ngumisi pa ako. Gusto ko siyang asarin para makaganti ako.

"Ikaw lang ang nasisiyahan niyan, e. Sana pareho tayo. Lipat mo na."

"Ayaw ko nga!" Naaasar na rin ako.

Lalapit pa siya sa akin at akmang aagawin ang remote control. Mas mabilis ako, kaya naitago ko sa ilalim ng katawan ko.

"Put...tik!"

"Nagmumura ka pa, ha! Sumbong kita kina Mama," banta ko sa kaniya.

"Mura ba `yon? Putik ang sabi ko. Sumbungerong bingi."

"Ano'ng sabi mo?" Narinig ko naman. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Bumangon na ako at hinawakan ko nang maigi ang remote control. "Hindi ako bungi. Tingnan mo nga ang ngipin ko. Ang ganda naman."

"A, oo. Ganda! Sayang nga lang..."

"Ang bawang? Mahal ang bawang ngayon... Manood ka kasi ng balita. Puro ka Dota at anime, e."

Walk-out si Little Sister. Asar-talo. `Tapos, nilakasan ko pa ang volume ng TV. Inilipat ko na rin sa gusto niyang panoorin.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...