Followers

Thursday, July 24, 2014

Hijo de Puta: Kuwarenta y otso

Alas-otso kuwarenta y otso umalis ng bahay ko sina Lianne at Paulo. Hindi ako agad dinalaw ng antok dahil sa ligayang natamo ko dahil sa pagbisita nila sa akin. Alam kong simula na iyon ng pagiging malapit ni Lianne sa akin.

Bago ako natulog, tinawagan ko muna si Mama Sam. Naalala ko kasi na mamayang gabi ay dadalo kami ni Humprey sa stag party ng aming dating kaklase na si Bob. Pumayag naman ang aming floor manager. Mabuti na lang at walang hininging kapalit.

Sunod, tinawagan ko sina Lemar at Jake. Sinabi ko rin kung ano ang sinabi ko kay Mama Sam. Okay lang naman daw sa kanila. Sila na lang uli ang magsasayaw sa midnight show.

Eksakto lang ang gising ko para makapaghanda sa stag party. Hindi ako na-late sa usapan namin ni Humprey.

Sa isang condo unit ako dinala ni Humprey. Pag-doorbell namin, pinagbuksan kami ni Bob. Nagulat siya ng makita ako. Hindi daw sinabi ni Humprey na naghanap na niya ako.

"Sorpresa ko rin siya sa'yo, Pare." sabi ni Humprey.

"Ah, talaga. Ayos! Kumpleto na tayo. Andyan din sina Edgar at Roland. Pasok na.."

Marami na ngang bisita sa loob. Hindi namin kilala ang iba. Sina Roland at Edgar lang ang kilala namin. Kaya sila lang ang binati ko. 

"Pogi pa rin natin, 'Tol, ah! Ilan na ang chicks mo?" tanong ni Edgar. Tumawa pa. Nagtawanan din ang tatlo.

"Marami siyempre.." Tumawa na rin ako. Tapos, pinagbuksan nila ako ng beer. 

Wala pa rin silang kupas sa kakulitan. Ang lalakas pa ring mag-green jokes, lalo na si Roland.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...