Tinawagan ko si Gelay pagkatapos ng klase at habang hinihintay ko ang pagdating ni Daddy.
"Hello, Gel?!"
"Hello, Zil?!" Malamig ang boses niya.
"Kumusta ka na?"
"Mabuti."
"Bakit parang iba ang boses mo? May sakit ka ba?" Alam kong nagtatampo siya sa akin. Gusto ko lang umamin siya.
"Wala. Pagod lang ako. Nag-practice kasi kaming Glee Club.."
"Ah. Musta naman ang practice niyo?" Wala na akong masabi kaya ganun na lang ang tanong ko.
"Okay naman."
Nang wala na talaga akong masabi, "Sorry nga pala.."
"Saan?"
"Sa..sa di ko palaging pagtetext at pagcha-chat sa'yo.."
"Okay lang. HIndi rin naman ako makapag-text at chat sa'yo regularly."
"Paraeho kasi tayong abalang-abala.."
"Oo.. Wala namang problema. Unless, may iba ka na.."
Whoaah! Nag-iba yata ang tono ng pananalita si Angela. Tila, may naamoy na malansa. Nag-deny ako, dahil wala naman talaga. Hindi pa kami nagkita uli ni Arla maliban sa madalas kaming magkatext. Magkausap sa telepono at magka-chat pa.
"Ha? W-wala.. Wala akong iba.. Super busy ako para maghanap ng iba. Saka, alam mo naman na ikaw lang ang minahal at minamahal ko."
Natawa si Gelay. "Andami mong sinabi. Guilty ka ba?"
"Hindi, ah.."
"Okay! Pero sana.. kung ako ang minahal at minamahal mo, ako lang din sana ang mamahalin mo.."
Makahulugan ang tinuran ni Angela. Hindi agad ako nakapag-react.
"Oo, Gel.. Ikaw lang.."
"Salamat, Zil."
Dumating na si Daddy kaya nag-bye na ako kay Gelay.
No comments:
Post a Comment