Natulog akong may ngiti sa labi at kaligayahan sa puso. Muli na naman kasing pinatunayan ni Jake ang husay niya sa performance. Hindi pa man siya mahusay sa paggiling, magaling naman siyang magpalabas ng kalibugan para sa mga nanunuod. Kaya naman, kumita siya kanina ng mahigit-kumulang tatlong libo sa mga tip pa lang.
Magkakasunod na doorbell ang gumising sa akin, bandang alas-diyes trenta y sais ng umaga. Padabog akong bumangon para alamin kung sino ang nasa labas. Si Jake pala.
"O, Tol? Napasugod ka?" tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko.
Nakapasok na kami ng bahay nang nagsalita si Jake."Si Caren, Kuya.." Nakita kong mugto ang mga mata niya. "..iniwan niya ako!"
"Ha?" Hindi ako makapaniwala.
Inabot niya sa akin ang isang papel. Reseta ng doktor ni Caren. Sa likod nito ay isang sulat. Agad ko itong binasa.
Mahal na mahal kong Jake,
Nasaktan ako ako sa pagsuway mo sa kagustuhan ko. Hindi mo pa rin ako sinunod. Kaya, mula sa araw na ito, hindi mo na ako makikita. Paalam sa'yo, Jake. Mahal na mahal kita, pero hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sa'yo, dahil hindi mo mahal ang sarili mo. Binababoy mo ang sarili mo. Nawala ang respeto mo sa sarili mong katawan at pagkatao. Kinaaawaan mo lang ako. Hindi mo ako mahal. Kaya bago ka pa malubog sa kamunduhan, aalis na ako sa buhay mo. Huwag mo na akong hahanapin o susundan. Kaya ko namang pagalingin ang sarili ko nang hindi umaasa sa'yo.
Mag-iingat ka lagi..
Caren
Niyakap ko si Jake nang makita kong humahagulhol."Tama na, Jake. Pagsubok lamang 'to."
No comments:
Post a Comment