Followers

Sunday, July 20, 2014

Hijo de Puta: Kuwarenta y tres

Pinayagan ako ni Mama Sam na mag-out ng bandang ala-onse, tapos, bukas na ako babalik. Kumita naman ako sa pagti-table. May pambili na rin ako ng alak sa Cherry Blossoms Club.

First time ko sa club na ito. Sa pangalan pa lang, alam ko nang Japanese ang may-ari. Japanese din ang theme nila. Pang-Haponesa din ang suot ng mga babae. May nakapulbos pa ng kayputi. Di ko mamukhaan. Gayunpaman, tinalasan ko ang mata ko para makita ko ang hinahanap ko. 

May lumapit agad sa akin. Puting-puti ang mukha niya. Hindi siya si Lianne. Pinaorder niya ako.

Lasing na ako. Hindi pa nagsisimula ang strip tease. Japanese cultural show pa lang. Walang libog. Hindi ko na rin malaman kung alin si Lianne. Pare-pareho ang suot at ang mukha. Nakakalungkot.

Umorder pa ako. Tumungga. 

Maya-maya, lumabas na ang mga maghuhubo. Unti-unting nagpaparamdam sa akin si Manoy. Sana lumabas si Lianne, naisip ko. Tinitigan ko ang bawat pumunta sa unahan. Malayo ako, ngunit tanaw ko ang mga mukha nila kasi wala silang puting pulbos sa mukha. 

May lumapit sa akin. Kinarenyo ako. Binigyan ko ng limang daan dahil hinimas niya ang alaga ko. Biglang sukli, hinayaan niya akong dakmain ko ang dibdib niya. Shit! Wala na ako sa katinuan. Sana hindi iyon nakita ni Lianne. 

Bigo akong lumabas ng club. Hindi ko nakita si Lianne. Kaya, umuwi na lang agad ako sa bahay at natulog. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...