Followers

Sunday, July 27, 2014

Hijo de Puta: Singkuweta y singko

"Salamat, Lemar!" sabi ko nang makaalis na si Paulo. "Mabuti na lang di ka pumiyok... Salamat din sa'yo, Jake. ‘Yung pag di mo pagsalita ay sapat na para makalusot ako."

"Okay lang, Kuya.. Alam ko na kasi ang posibleng mangyari. Gaya ng nangyari sa akin.."

"Tama ka.." Hinarap ko naman si Lemar. "Practice niyo lang ba yun? 

Tiningnan niya si Jake bago sumagot. "Oo. Practice lang yun.."

"Ganun ka-hot ang halikan at romansahan niyo?" Tiningnan ko silang pareho. "Di ba dapat pasayaw-sayaw lang tayo? Konting dikit ng katawan, ayos na.."

"Para sana maiba naman.." si Lemar

"Maiba? Gusto mo bang ma-raid tayo. Bawal ‘yun. Lalampas tayo sa napag-usapan at kontrata.."

"O, sige.. iibahin na lang namin ni Lemar. Sumabay ka na kasi sa amin.."

"Ibahin niyo pero magtapat kayo..'' Tiningnan ko sila isa-isa."..may kakaiba sa inyong romansahan kanina. Gising ako. Nakatingin ako sa inyo.."

"W-wala! Wala naman di ba, Jake?" patulong ni Lemar kay Jake.

"Jake? Wala ba talaga?" Para akong kuya niya talaga na nanghuhuli at nag-i-interrogate.

"K--kuya.. kasi.. si Lemar..." Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin. Nagtinginan sila ni Lemar.

"Lemar? Anong meron sa inyo ni Jake?" Nahuhulaan na ni Lemar ang gusto kong malaman.

"Hector.. kasi matagal na akong nagtatago ng nararamdaman ko.." Hinayaan ko siyang magsalita. "..Dati, pangarap kitang maka-sex. Pangarap kita, Hector. Salamat sa'yo dahil binigyan mo ako ng chance na makapartner si Jake. Siya na ngayon ang gusto ko. Pareho naming gusto.."

"Kuya..sorry." sabi naman ni Jake. Malungkot siya.

Pinasaya ko ang paligid. "Walang problema. Kung ‘yan ang gusto niyo, sige, enjoy niyo lang." Natuwa naman sila sa tinuran ko.


Nagpasalamat si Lemar sa akin dahil sa wakas daw ay lumuwag ang dibdib niya. Hiningi niya sa akin na huwag itong ipaalam sa iba. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...