Hindi pinayagan si Angela ng Daddy niya. Magsisimba daw kasi sila. Nalungkot nga kaming pareho dahil ibig sabihin nito, isang linggo na naman ang hihintayin namin para magkita kami.
Nagkasya na lang kami sa pagte-text-san, habang nagwa-Wattpad.
Dumating ang Lunes, Maraming activities kaya nag-concentrate ako. Kailangan ko kasing mapanatiling matataas ang mga grades ko para patuloy ding pumapayag si Daddy na magkita kami ni Gelay.
Sa aking ka-busy-han araw-araw, tila nalimutan kong may girlfriend ako na naghihintay ng aking tawag at text o chat man lang sa Fb o Wattpad. Nagparamdam naman si Gelay sa FB. Tama naman siya. Tila nabawasan ang pagnanais ko na magkita kami. Isang buwan na rin kasi ang lumipas nang huli kaming nagkita. Hindi na rin ako mabigyan ng time ni Daddy na ihatid sa mall na malapit kina Angela sa kadahilanang nagiging busy pa lalo siya sa kanyang pagtuturo at sa kanyang pagsusulat.
Kahit patuloy akong nagtetext ay Gelay, parang nabawasan ang kilig ko sa kanya sa tuwing magmi-message ako sa kanya. Gayundin siya. Kung kelan lang ako magtetext ay saka lang din siya magtetext.
Lumipas pa ang mga araw.
Nakilala ko si Arla sa isang essay writing contest na sinalihan ko. Maganda siya. Mabait. Sweet. Gusto ko siya. Crush niya ako sa tingin ko.
No comments:
Post a Comment