Andami naming nagawa ngayong araw.
Una, nagsimba kami ni Dindee sa Malate Church. Nakaka-refresh ng spiritual life. Nag-pray ako. Humingi ako ng guidance sa Panginoon para sa Campus Personality na sasalihan ko. Tapos, hinawakan ko ang kamay ni Dindee. "Bigyan Niyo po ako ng sign. Kung hindi po siya tatanggi sa paghawak ko sa kamay niya, mahal niya ako." sabi ko kay Lord. Hindi naman pumalag si Dindee.
Sunod, nag-canvass kami ng mga susuutin ko sa pageant. Nakakita kami ng magandang trunks at coat. Hindi pa kami bumili. Baka biglang mag-sale, makamura pa ako.
Nag-selfie din kami sa mall bago umuwi.
Habang nasa dyip, nakakita ako ng isang gym o fitness center. "Mag-gym kaya ako?'' sabi ko kay Dindee.
"Oo. Para pag nag-pageant na, mas fit ka."
"Yun nga ang naisip ko.."
"Pero, kahit hindi na.. maganda na ang katawan mo. Mag-basketball ka na alng lagi.."
"Sabagay.."
Pag-uwi naman namin. Nag-internet kami ni Dindee. Nag-search kami ng mga ethnic costumes para makakuha ng idea. Ang napili namin ay ang Igorot's costume o bahag. Dadagdagan na lang namin ng sibat at head gear para mas magarbo.
"Bilad na bilad talaga ang katawan mo sa pageant, Red."
"Oo nga, e. Di ka ako mapulmonya nun?"
"Hindi.. Pagtitilian ka lang nga mga chicks."
"Bahala na. First time, pero gagalingan ko para makakuha ako ng masa malaking points mula sa'yo.."
"That's right.." Tapos nilapirot pa niya ang ilong ko.
"Ang sakit! Yari ka sa akin.." Kiniliti ko rin siya hanggang magdikit na naman ang mga katawan namin. Naabutan kai ni Daddy sa ganung posisyon, kaya bigla kaming naghiwalay.
Dyahe!
"
No comments:
Post a Comment