Followers

Tuesday, July 22, 2014

Liham, Lihim #5

Dear Mary Jane,
    Hindi biglaan ang desisyong ito, pero nabigla ako sa sarili ko dahil kaya ko palang malayo sa mga bata. Although, marami ng beses na binalak kong hiwalayan ka, hindi ko rin magawa dahil kay Hanna (noon o sa mga bata (ngayon). Pero, this time, pinilit ko lang tanggapin na mawawalay ako sa kanila.
     I'm sorry..
   Kailanman, hindi tayo magiging maligaya hangga't ganyan ka o ganito tayo. Tinutulungan na nga tayo ni Mama para magkaroon tayo ng masaya at maginhawang buhay, pero ikaw naman ay kung anu-ano ang mga iniisip at  mga inaakto. Pabagu-bago ang isip mo.
    Hindi mo ako minsan inuunawa, samantalang alam mo naman ang kalagayan ko. Nagpapatalo ka kaagad sa emosyon mo. Dati, nagalit ka dahil hindi kita isinama sa Bautista. Nagalit ka rin noong kami lang ni Hanna ang kumain sa Jollibee. Hindi mo rin ako kinibo noong wala na akong trabaho at hindi ko pa nakuha ang sa paluwagan ko. At, noong Sabado lang, bigla mo na lang inuwi si Hanna.
    Konti lang 'yan sa mga sakit na dinulot mo sa akin. Kaya, may rason ako kung bakit ako lalayo.
   Oo! Lalayo ako. pero, hindi ko inaabandona ang mga anak ko. Anak ko sila. Ikaw ang ina nila. Dapat alam natin yun..
    Sisikapin kong kumita upang maisuporta sa mga bata. At sana mangarap ka rin para sa kanila. Mangarap ka rin para sa sarili mo. Kung hindi sana tayo humantong sa ganito, tayong dalawa sana ang sabay na mangangarap para sa kanila. 
    Alam kong kaya mong ibigay ang mga pangangailangan ng mga bata dahil noon mo pa ako hinahamong makipaghiwalay sa'yo, na para bang okey lang na wala ako. Sabi mo pa nga noong nakaraang araw, "Wala ka pang karapatan sa mga bata hangga't di sila tumutuntong sa edad na 7 taon." Anong ibig sabihin? Samantalang ang usapan natin noon ay ang pag-a-abroad mo..
    Tungkol sa pag-abroad mo.. Alam mo bang kaya naman talagang gastusan ang pag-aabroad mo? Wala akong makitang determinasyon sa'yo.. Isinanla ni Mama ang lupa para magamit niya sa pagpapagamot niya. Gustong-gusto niyang tulungan tayo financially at physically. Kaya gusto niyang gumaling. Pwede pa sanang magpadagdag ng sanla kung talagang kailangan o walang mahanap na "No placement". Pero, ano ngayon? Wala na! Inuna mo pa ang maling kaisipan at kilos mo.
    Uuwi ako sa Bulan para hanapin ang sarili ko. Bubuuin ko rin ang kumpiyansa ko sa sarili ko.
    Naniniwala akong "Behind every successful man is a woman." Alam ko na kung bakit hindi ako naging successful sa career ko, dahil hindi ka supportive sa akin. Ikaw pa minsan ang nag-down sa akin. Hindi mo na-a-appreciate ang ibang bagay tungkol sa akin. Wala kang pang-unawa. Mapanghanap ka.
    Ngayon, handa na akong harapin ang buhay na malayo sa'yo at sa mga anak ko. Alam kong mahirap magsimula, pero kakayanin ko. Para rin kasi ito sa mga bata na hindi lang gatas at diaper ang pangangailangan. Mag-aaral pa ang mga iyan.
    Hindi ko sinasara ang puso at buhay ko para sa'yo. Ikaw pa rin ang ina ng mga anak ko. Ikaw pa rin ang Mary Jane na nakasama ko for almost 4 years at nagbigay sa akin ng dalawang wonderful kids. Hindi ko kailanman kakalimutan ang ating mga pinagdaanag hirap, sakit, krisis, problema, lungkot, saya, ginhawa, away at iba pa.
    Nandito lang ako..
  Saan man tayo dalhin ng pagkakataon, may dalawa tayong anak na mag-uugnay sa atin. Magiging masaya ako pag nalaman kong naging masaya ka at naging maunlad dahil wala ako. Mas magiging maligaya ako kapag alam kong napapabuti sina Hanna at Zildjian sa piling mo o sa piling ng pamilya mo.
  Mahal na mahal ko sila. Alam na alam mo 'yan. Kaya ayokong malaman na naaapi sila't napapabayaan.
    Napakabuti mong ina. Marahil iyan ang dahilan kung bakit humantong tayo sa ganito.
    Be strong. Hindi ako malaking kawalan sa buhay mo. Kung meron mang dapat na masaktan, ako iyon. Bakit? Dahil wala sa piling ko ang mga anak ko..
    Masakit ang desisyong ito para sa akin, pero dahil pagod na ako, kailangan natin ng space where we can move on. Let us set ourselves free!
    Goodbye! I'm gonna miss you---the three of you! Thanks for everything!
                                                                                                                                                   Tsups!
                                                                                                                                                   Froilan,
    

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...