Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 115

Partners


Pinatawag ni Sir Briones ang lahat ng candidates ng Campus Personality. Miniting niya kami. Malapit na kasi ang search.

Sa meeting, nalaman ko na sampung lalaki at labing-isang babae ang contestants. Naghahanap pa raw ng isa si Sir para may pares ang isa. So far, pinares muna kami. Nagpalabunutan muna ng numbers. Number 9 ang nabunot ko. Partner ko ang third year. Di ko kilala ang pangalan. Okay lang naman sa akin kung siya ang partner ko. Maganda naman. Hindi naman iyon mahalaga kasi maglalaba- laban pa naman kami. Partner lang naman kami sa bawat paglabas namin ng stage.

Natatawa ako dahil ang partner ni Riz ay ang Grade 8. Mas matangkad pa siya.

Partner ni Nico ang 4th year-Section 2. Partner ni Leandro ang 3rd year-Section 1.

Sinabi na rin ang mga competition o portion ng search. Una, ang school uniform. Naka-school uniform muna kaming magpapakilala. Pagkatapos, magkakaroon ng presentation. Sasayaw daw ang kaming mga candidates. Isususnod na ang Ethnic Attire, Casual Attire, Sports Wear, Swim Wear at Formal Wear. Sa Formal Wear, magkakaroon ng Question-and-Answer Portion. I-aannounce naman ang Top 5 pagkatapos ng awarding of minor awards. Q&A uli. Then, may result na ang search.

Hirap! Andami ko palang ipi-prepare na costumes. Magastos, lalo na ang ethnic attire. Di bale na.. Ang mahalaga, makasali ako para dagdag points sa extra-curricular.

Pagkatapos ng meeting, lumapit sa akin si Michelle, ang partner ni Michelle at ang partner ko. Nakikiusap si Michelle na kami na lang daw ang mag-partner. 

"Okay lang sa akin. Paano sa kanila?" Tinutukoy ko ang mga partner namin.

"Kinausap ko na sila. Di ba?" tanong naman niya sa dalawa., na tumango naman agad.

"O, sige."

"Thank you, Red!" Pumulupot pa siya sa braso ko na parang ahas. "Thank you din sa inyong dalawa." 

Ngumiti lang ang dalawa at nagpaalam na. Nakita naman kami nina Riz at Nico sa ganung posisyon.

"Sir.." Lumapit si Michele kay Sir. Malakas ang boses niya. "Kami na lang daw po ni Red ang magpartner. Pumayag na rin po ang mga dati naming mga partners." Tila pinaparinig niya talaga kay Riz, na noon ay palabas na ng room.

"O. sige..papalitan ko na sa lista ko."

"Thank you, Sir..and bye. Let's go, Red!" Kinalawit na niya ang braso ko at lumabas na kami. Inunahan pa naming makalabas sina Riz.

Malamang, ang sama na naman ng isip ng ex-dreamgirl ko. He he.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...