Followers

Friday, July 18, 2014

Hijo de Puta: Trenta y siyete

Kinausap ko si Jake nang mahinahon na siya at hindi na umiiyak. Nalaman ko sa kanya na hinanap niya na pala si Caren sa mga posibleng puntahan-- sa bus terminal, sa mga kapitbahay at kung saan-saan pa. 

Sinabi ko rin sa kanya ang misteryosang babae sa Xpose kagabi na akala ko ay Muslim. Si Caren na raw iyon. May balabal nga daw siyang itim. 

"Anong plano mo ngayon?" tanong ko. Nakatingin siya sa kawalan. 

"Hindi ko alam, Kuya.. Siya kasi ang inspirasyon ko..Paano pa ako magtratrabaho kung wala na siya?"

"Hindi pa tapos ang buhay mo, Jake. Iniwan ka lang niya..."

"Iniwan nga! Para na rin niya akong kinitilan ng buhay. Ang sakit, Kuya!"

"Nasaktan din naman siya. Although, hindi ka niya naunawaan pero mas higit siyang dapat na masaktan dahil sinabihan ka na niya.."

"Gusto ko lang naman na maipagamot siya..maipatingin sa magaling na doktor.."

"Oo, nandyan na tayo. Babae siya,e . Ganun niya tingnan ang bagay na ginagawa natin. Hindi niya tayo naiintindihan. Para sa kanya, kababuyan. Pero para sa atin, ginhawa.."

"Siya ang unang babaeng minahal ko, Kuya. Ako rin ang unang lalaking minahal niya. Pinaglaban namin ang isa't isa. Pero, bakit ang ganitong bagay ay hindi niya kayang tanggapin?"

"Madumi nga tayo, Jake.. Hindi pa tayo tanggap ng iba, ng karamihan.."

Umiiyak na naman si Jake. Nauunawaan ko silang pareho. Naiisip ko rin na baka mangyari rin ito sa akin. Matatanggap kaya ako ni Lianne? Marahil ay hindi. Kaya tama lang na nagsinungaling ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...