Followers

Monday, July 28, 2014

Liham, Lihim #9

Mahal na mahal kong Jake,
         Nasaktan ako sa pagsuway mo sa kagustuhan ko. Hindi mo pa rin ako sinunod. Kaya, mula sa araw na ito, hindi mo na ako makikita. Paalam sa'yo, Jake. Mahal na mahal kita, pero hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sa'yo, dahil hindi mo mahal ang sarili mo. Binababoy mo ang sarili mo. Nawala ang respeto mo sa sarili mong katawan at pagkatao. Kinaaawaan mo lang ako. Hindi mo ako mahal. Kaya bago ka pa malubog sa kamunduhan, aalis na ako sa buhay mo. Huwag mo na akong hahanapin o susundan. Kaya ko namang pagalingin ang sarili ko nang hindi umaasa sa'yo. 
        Mag-iingat ka lagi..
                                                                                                                          Caren

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...