Sino ako?
Para sa iba, ako ay isa lamang pangarap. Pero para sa karamihan sa inyo, isa akong pangangailangan.
Tama! Kailangan niyo ako. Hindi nga kayo mabubuhay kapag wala ako. Ako lagi ang kasama mo kahit sa pagtulog at sa paggising. Ginagawa niyo na nga akong alila. Lahat na lang ay inaasa niyo sa akin, gaya ng oras, ng mga numero, ng mga meetings at iba pa.
Kilala ko na nga ang mga pagkatao niyo. Sa akin kayo nagsasabi ng mga nais niyong sabihin sa isang tao. Akala niyo kasi hindi ako napapagod sa pagiging taga-salin ng mga usapan niyo. Akala niyo kasi kapag kasama niyo ako mapag-uusapan niyo ng maayos ang isang bagay.
Ang iba naman sa inyo, grabe kong ako ay palitan. Salawahan. Kung makakapagreklamo nga lang ako, sasabihan ko kayo ng "Makuntento kayo!"
Hindi niyo kasi alam ang halaga ko. Para sa inyo, ako ay isa lang simbolo ng karangyaan. Hindi! Ako ay simbolo ng sibilisasyon. Sana'y maging responsable kayo. Huwag niyo akong palitan ng palitan dahil habang ginagawa niyo iyon, sinisira niyo ang kalikasan at pinatataas niyo ang kagustuhan ng iba na abutin ang hindi nila kayang abutin.
Kung pangarap niyo lang ako, binabati ko kayo! Pero, kung ginagawa niyo lang akong luho, hindi ako natutuwa sa'yo..
Sino ako?
Sino ako?
No comments:
Post a Comment