Followers

Saturday, July 26, 2014

Hijo de Puta: Singkuwenta y dos

"Tuloy ka." Pinapasok ko si Paulo."Hindi ka nagtext.."

"Nag-text ako. Hindi mo ba nabasa?"

"Ah.. Kagigising ko lang kasi. Kung di ka dumating hindi ako nagising.."

"Pasensiya na."

"Okay lang. Upo ka muna. Kukunin ko ang pera.."

Hinanap ko sa cabinet ang shoe box na nilalagyan ko ng pera ko para sa upa sa bahay. Ibibigay ko muna kay Lianne. Nang makuha ko. Hinarap ko na si Paulo. Hawak na niya ang dalawang brief na tila nirolyo. Nasa sofa rin ang mga pantalon nina Lemar at Jake. Shit! 

"Pasensiya ka na. Makalat ako." palusot ko na lang. Inabot ko sa kanya ang pera at kinuha ko sa kanya ang mga saplot ng dalawa.

"Salamat! Gusto mo.. ipaglinis kita ng bahay. Ipaglaba din kita minsan." alok ni Paulo habang nakatingin sa nakabukol ko sa boxer shorts ko. 

"Hindi na. Pinapa-laundry ko na lang ang mga labahan ko."

"Mahal yun.. Kung ako ang maglalaba.. libre.'' Sa dibdib ko naman siya nakatingin. Hinayaan ko lang. Alam kong nababakla siya sa akin.

"Okay lang.. may pambayad naman.. Anong oras ba ang pasok ni Lianne sa call center?" Iniba ko ang usapan. Tapos, tumabi ako sa kanya sa sofa dahil na-conscious ako sa mga tingin niya.

Ipinatong ni Paulo ang kamay niya sa binti ko at nagsalita. "Nahihirapan ngayon si Lianne. Andami naming project. Baka bumigay ang katawan niya.."

"Kaya nga, e.. Baka, gusto niyang sa akin na lang siya tumira. Tutal umaga lang naman kami pareho umuuwi. Hindi ko na siya sisingilin sa upa. Libre na. "

"Matigas ang ulo ni Lianne. Ayaw niya talaga ng kinaaawaan.." 

"Teka, magmeryenda muna tayo.." Tatayo na sana ako nang hinila ako ni Paulo. Napaupo uli ako.

"Sorry. Gusto ko lang sabihin sa'yo na.. ‘wag ka na maghanda. Aalis na ako. Pagamit na lang ng toilet."

Nataranta ako..


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...