Note
Kagabi, nag-text si Riz. Nagtanong kung may pasok na raw kami bukas. "Wla p." lang ang reply ko. "Thank you, Red! :)" ang reply niya. Nakapagtataka. Kumpleto ang letters sa words niya Hindi na siya jejemon. Pero, mas nagtataka ako kung bakit siya nagtext. Nagpaparamdam? Miss niya na siguro ako. Nag-send pa nga siya ng quote nang di na ako nag-reply sa thank you niya.
Wish I was your blanket, I wish I was your bed, I wish I was your pillow underneath your head, I wanna be around u, I wanna hold u tight, & b the lucky person who kisses u good night.
Iyan ang quote niya kagabi. Hanep! Nakakakilig sana, kaso, nawala na ang kilig ko sa kanya.
Paggising ko naman, eto ang nabasa ko sa inbox ko: As I lie awake in my bed. All sorts of thought run through my head. I smile. Then I realise its because I think of you! Good morning!
Astig!
Dinelete ko. Baka kasi mabasa ni Dindee. Hindi ko na rin ni-reply-an. Ayokong paasahin si Riz. Hindi ko paglalaruan ang damdamin niya.
Wala sa si Dindee nang bumangon ako. Alas-otso diyes na kasi.
Naisipan kong pumasok sa kuwarto niya.
Kaya pala parang hinihila ang mga paa ko dun dahil may note pala sa akin ang mahal ko na dinikit niya sa salamin. Sabi sa note: "Red, U may be out of my sight, but not out of my heart. U may be out of my reach, but not out of my mind. Have a nice day! Dindee, <3"
AyiiE! Mas kinilig ako dun, ah! Five points for her!
No comments:
Post a Comment