Followers

Saturday, July 26, 2014

Double Trouble 18

DENISE' POV

Napahanga ko na naman ang kuya kong nerd dahil sa mga drawing ko. Hindi ko sana siya kikibuin, kaya lang na-appreciate niya ang mga gawa ko. Mahusay rin siyang kumuha ng kiliti ko. Gayunpaman, asar pa rin ako sa kanila.

Sabado na ngayon. Wala akong magawa sa bahay, pagkatapos mananghalian. Gusto kong gumala, kaso mapapagalitan ako nina Mama. Tuwing may klase ko lang iyon nagagawa. Kaya, naisipan kong mag-sketch na lang. Si Krishna ang naisip kong i-sketch. Kinuha ko ang cell phone ko para maghanap ng magandang solo picture niya. Nakahanap naman agad ako, kaya sinimulan ko na ang pagkopya ng mukha niya gamit ang sketch pad at lapis ko.

Ilang oras na akong nag-i-sketch nang tinawag ako ni Kuya Dennis. Sinilip ko lang siya. Ayaw ko siyang makapasok sa kuwarto ko. "Bakit po?" sweet kong tanong. Nakaharang pa rin ako sa pinto.

"May ginagawa ka?"

"Natutulog... Bakit?"

"Gusto mong magpaturo sa Math?"

"Next time na lang, Kuya. Antok na antok ako, e." Humikab pa ako para makatotohanan.

"Papasok ako," sabi niya, habang tinutulak ang pinto.

"Huwag na. Matutulog nga ako. Mamaya mo na lang ako turuan."

"Sige... Pero, may pabor din ako sa `yo."

"Ano naman `yon?"

"May sulat ako para kay Krishna. Puwedeng pakibigay sa kaniya sa Lunes?"

Natawa ako, pero, deep inside, naiinis ako. Leche flan! Ako pa ang gagawing kartero. "Ikaw na lang kaya ang mag-abot."

"Ikaw na lang please... Best friend mo naman siya, e."

Gusto ko sanang mag-disagree sa sinabi niyang bestfriend, kaso `di ko na nagawa. Tama na rin na iyon ang isipin niya, at least, hindi niya malalaman na tinatangi ko rin si Krishna at hindi lang bestfriend ang turing ko sa kaniya.

"O, sige, ako na mag-aabot." Pumayag na akong maging postman niya. 


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...