"B-barado. Barado ang CR ko." Hindi ko alam ang
sasabihin ko para mapigilan si Paulo na umihi sa banyo ko. Tiyak makikita niya
doon sina Lemar at Jake na nakahubo't hubad.
"Okay lang.. Kanina pa kasi ako.. naiihi. Saan ba?"
Wala kong nagawa. "Doon."
Sinundan ko ng tingin si Paulo. At narinig ko na lang ang hiyaw niya.
Maliit lang nag bahay ko kaya caught in the act na. Lumabas si Paulo ilang
segundo ang lumipas. Nakatingin sa akin ng makahulugan.
"Mga kaibigan ko sila.." Paano ko ba sasabihin na
nagpa-practice sila ng sayaw para sa gay bar show? Hindi ko naman pwedeng
sabihin na naliligo sila ng sabay.
"Sorry.. Hindi mo sinabing may tao pala dun." Nakahawak pa rin
siya sa kanyang dibdib.
"Ano bang ginagawa nila?"
Nakatulala pa rin si Paulo. "Nakatago sa likod ng
pinto." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos, nagtagal
ang mga mata niya sa umbok ko. "Huwag mong sabihing.."
"No, no! Huwag mong isipin 'yan.." Nataranta ako.
Gusto kong tawagin ang dalawa para sila ang mag-explain.
"All this time pala.. you're hiding a secret." Disappointed si
Paulo.
Nilapitan ko si Paulo. "Look, makinig ka.."
"No! Wala namang problema dyan, e.. Aalis na ako. Thank you dito..
Di na ito malalaman ni Lianne." Tumalikod na siya.
Nahawakan ko siya sa braso. Hinarap niya ako. "Sandali.
Makinig ka muna."
"Tama na, Hector.. Nagtatago ka sa katawang 'yan! Bading ka pala!
Sayang.. gusto pa naman sana kita.. Gusto kita para kay Lianne. Sayang!
Bitawan mo na ako, please."
No comments:
Post a Comment