Followers

Sunday, July 27, 2014

Red Diary 139

Composition


Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Nasaktan ko si Dindee nang di ko sinasadya. Dapat di ko na ipinapakitang pinahahalagahan ko pa si Riz. Kaya nararapat lang akong sampalin. 

Paggising ko, hinanap ko agad siya. Nasa kuwarto pa rin siya. Alas-nuwebe na siya lumabas. Binati niya lang si Daddy. Ako, dedma niya, kahit binati ko siya. 

Nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya mapapatawa. Pero, hindi ako makaisip. Lagi pa siyang nakayuko. Nagsulat nga ako ng letters na S.O.R.R.Y. sa papel at ipinabasa ko sa kanya. Hindi pa rin siya ngumiti. Useless ang mga effort ko. Parang nasaktan ko talaga siya ng husto.

Naisipan kong maggitara. Hindi ko na kinanta ang "Sorry". Ang inawit ko ay ang kantang kinompose ko para sa kanya. Sa kuwarto ako pumuwesto. Nilakasan ko ang boses ko.

"Bagong kanta ba yan, Nak?" Si Daddy naman ang pumasok sa kuwarto. Ang akala ko ay si Dindee.

"Opo, Dad! Composition ko po." Malamig kong sagot. Gusto ko kasing si Dindee ang lumapit sa akin.

"Ayos, Red!" Nag-thumb up pa siya. "..Para kanino 'yan?" Ngimiti pa na parang nang-aasar. 

Hindi lang ako nagpahalata na naiinis ako. "Ito po kasi ang talent na ipapakita ko sa pageant.."

"Ah.. Magaling! Sigurado ako..may kikiligin sa kanta mong 'yan. Mahusay!"

"Salamat po.." Salamat din dahil umalis na si Dad.

Bumalik siya. "Red, mamamalengke lang ako. Wala na palang laman ang ref natin.."

"O, sige po." Natuwa ako. Kaya nang wala na siya, lumabas ako. Kinantahan ko si Riz sa may pintuan ng kuwarto niya.

Natapos ko na ang buong kanta pero hindi pa rin siya lumalabas. "Dindee, sorry na..please. Patawarin mo na ako. Hindi na po mauulit."

"Manggagamit ka!" Sa wakas nagsalita na siya. Pero, galit pa rin siya.

Nagpaliwanang uli ako. Sinabi kong tinitingnan ko lang ang mga picture ni Riz. Siya talaga ang mahal ko. Aya wpa rin niyang lumabas at maniwala.

"Ladies and gentleman..contestant number 9, Redondo Canales!" Nag-iba ako ng boses. Ginaya ko ang boses ng favorite DJ ko. Tapos, sabi ko: "Thank you! This song is dedicated to a girl named, Dindee-- my inspiration. Hope you like it." Boses ko na iyon. Saka ako naggitara at kumanta.

Sa kalagitnaan ng kanta ko, lumabas si Dindee. "Hindi ko pala kaya." Niyakap niya ako.

"Sorry.." bulong ko.

Hindi na niya ako pinagsalita. Idinampi niya ang kanyang labi sa labi ko.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...