Alas-otso nasa boarding house ni Mommy na kami ni Dindee. Tuwang-tuwa ang dalawang babae sa muling pagkikita nila.
"Ikaw, Red, ha..wag na wag mo na uling aawayin itong si Dindee.."
"Oo naman po, Mommy. Tanong niyo po sa kanya kung inaway ko pa siya uli."
"Hindi na po, Tita..Kung aawayin niya po uli ako..Meron na po akong malilipatan."
Nagtawanan pa sila. Naisip ko naman, hindi ko gagawin iyon. Gusto kong nasa bahay lang siya parati. Hindi ko na afford na mawalay siya sa piling ko.
"Hindi ka pwedeng lumipat ng boarding house, Dindee." sabi ko.
"Bakit?"
"Kasi..walang mag-aalaga sa akin pag may lagnat o trangkaso ako." Tiningnan ko pa si Mommy para ma-guilty.
"Bitter ang binata ko. Hmp. Akala ko pa naman..nauunawaan niya ako."
"Nagtatampo si Mommy. Ayan na, yakapin na lang kita para mawala ang tampo mo.."
"Ang sweet naman pala nitong si Red ko, e. Kala ko bitter.."
Nagtawanan kami.
Ang pakay talaga namin kay Mommy ay ang tungkol sa search ng Campus Personality. Humingi ako ng tulong pinansiyal at tips sa paglakad sa stage. Bahala na daw ang Sir ko. Basta galingan ko daw sa Q&A portion para makapasok ako sa Top 5. Gandahan ko daw ang bibilhin kong mga costume. Patulong daw ako sa mga barkada ko sa paggawa ng ethnic attire. Bumili daw ako ng swim wear na mamahalin para maganda ang fittings. Ang sports ko daw ay swimming para swimming trunks din ang suot ko kasi tiyak daw na panalo ako. Bagay daw sa akin maging swimmer kasi matangkad ako at may magandang built. Second the motion naman si Dindee.
"Ikaw na lang, Dindee ang make-up artist at PA niya ha? Please lang.. Baka di ako makapunta. Bahala na.." sabi ni Mommy.
"Sige po, Tita..It's my pleasure po."
Mabuti na lang andito si Dindee. Kahit di makakapunta sa search si Mommy, panatag ang loob ko na may tutulong sa akin sa back stage.
No comments:
Post a Comment