DENNIS' POV
Alam kong may lihim ang kapatid ko. Tinatangi niya si Krishna. Magkaribal kami. Kalaban ko siya sa puso ng babaeng napupusuan ko. Bakit siya pa? Puwede naman ang mga kaklase ko. Si Krishna naman, bakit ganoon na lang ang trato niya kay Denise?
Mapatunayan ko lang na tomboy siya, yari siya kina Mama at Papa.
Hindi muna ako kikibo hanggang wala akong ebidensiya. Itutuloy ko pa rin ang pagpaparamdam kay Krishna. Magsusulat ako sa kaniya. Hindi ko ipapabigay sa kapatid ko, baka hindi niya ibigay.
Lumabas lang kami ng mga kuwarto namin nang dumating nang sabay ang mga magulang namin. Nag-unahan pa kaming naghalungkat sa mga mga pinamali ni Mama.
"Oops, dahan-dahan ka, Denise! Mababasag ang mga itlog!" sawata ni Mama.
Mabuti nga sa kaniya! Ang buwakaw kasi. Napangisi ako. Napansin niya. Tinaasan ako ng kilay at kinunutan ng noo.
"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" tanong ni Mama.
"Hindi po, `Ma. Nagkakatuwaan nga po kami ni Kambal."
"A, mabuti kung gano'n. Ayaw ng Papa n'yo na nag-aaway kayo. Ang hiling namin sa inyo ay magmahalan kayo."
"Opo, `Ma!" matabang na sagot ng kakambal ko.
"Mama, kailan n'yo po ako ako bibilhan ng bagong sapatos? Sira na kasi ang sapatos kong itim." Naiba ako ng usapan.
"A, sige... tingnan ko kung kaya pa ng budget ko, ha?"
"Yes, `Ma! Salamat in advance!"
"Welcome! Basta mag-aral kang mabuti... Ikaw rin, Denise. Kailan mo ba kami paakyatin sa stage?"
Hindi nakasagot ang tibo kong kapatid. Yari! Kawawang bata. Napangisi tuloy ako.
No comments:
Post a Comment