Hindi ako makapag-gitara dahil maririnig nina Daddy at Dindee. Kaya, nag-assignment na lang ako at nag-review. Ganun din si Dindee. Ngayon ko lang siya nakitang ganun kasigasig. Halos, makipagsabayan sa akin sa pagsubsob ng sarili sa pag-aaral. Nakakatuwa naman pero nami-miss ko ang kulit niya. Kaya, tinext ko siya. "I miss you!"
Nginitian niya ako nang mabasa niya. Tapos, nag-lip talk siya. Naunawaan ko kaagad. Sabi ng lips niya: "I miss you, too, Red!"
Then, my cellphone notified me. Nang binasa ko. It reads as: "another 1pt 4 u!"
"Thnk u!"
"Welcome! thnk u 2 for being sWeeT!"
Para kaming baliw. Magkaharap lang kami sa table pero nagte-text pa sa isa't isa. Nakakahiya kasi kay Daddy kapag nag-usap kami ng malakas.
Nag-isip ako ng way para makalapit sa kanya.
Ilang saglit lang..
"Ano nga ang ang Tagalog ang 'conceited'? tanong ko. Tiningnan ko si Daddy. Nakaidlip na yata sa sofa. Kaya, lumapit na ako kay Dindee. Naamoy ko kaagad ang mabango niyang buhok.
"Mayabang, di ba? Ang bango mo, Dindee." bulong ko.
"Oo, mayabang.. Salamat! Ikaw din, amoy baby ka." Mahina din ang boses niya.
"Pwede ba kitang ma-kiss?"
"No no no! You only have six points.."
Napakamot ako sa ulo. Pati pala yun ay limited na.. He he
No comments:
Post a Comment