Mr. Campus Yabang
"Sir, pwede pong kami n lang ni Riz ang magkapartner?" tanong ni Leandro kay Sir nang magsimula na ang pagtuturo sa amin ng sayaw. Kailangan kasing buhatin ng lalaki ang partner niyang babae sa kalagitnaan ng sayaw. "Naawa po kasi ako sa partner niya.."
Tiningnan muna ni Sir ang partner ni Riz. Kumbinsido naman. Tapos, nilapitan niya ang dance instructor namin. Pumayag din siya. Kaya, ngising-ngising nakipagpalit si Leandro sa lalaki. Nag-pogi sign pa siya. Akala niya, nanalo na. E, di niya napansin na nakasimangot si Riz. Mas gusto pa yatang maging kapartner ang dati.
Matagal naming nakuha ang mga steps. Mahirap kasi. Panay na naman tuloy ang pagalit ng baklang D.I. Mabuti hindi kami napapagalitan ni Michelle. Mahusay naman kasing sumayaw ang partner ko. Nadadala niya ako. Magaling ding sumayaw si Leandro kaya nakalibre ngayon si Riz sa sigaw at mura.
Nang matapos ang practice, nilapitan ako ni Riz. "Hindi ako ngayon napagalitan." nakangiti niyang sabi.
"Oo nga, e. Suwerte mo!'
"Anong swerte?! Ang malas ko pa rin.."
"Bakit?" Wala talaga akong ideya kung bakit siya malas.
"Si Campus Yabang..kapartner ko! Bakit kasi pinayagan ni Sir?"
"Bagay naman kasi ang height niyo.." Natatawa ako sa reaksiyon ng mukha niya. Parang allergic kay Leandro.
"Hmp! Kahit na.. Sana ikaw na lang ang partner ko.." Mahina ang pagkaksabi niya pero parang bombang sumabog sa tenga ko. Tiningnan ko siya. Nagkatinginan kami, pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Seryoso siya.
Gusto pa niya ako..
No comments:
Post a Comment