Followers

Friday, July 18, 2014

Red Diary 126

Busy kami ni Dindee sa pag-aaral ng kanyang bagong DLSR camera na kakarating lang. Padala ng kanyang Daddy. Maya-maya, nagtext si Mommy.

"Sn kau noW?"

"S hauz lnG po."

"Ha? D kaU umaLiz?"

"D po?"

Nalaman ko lang kay Mommy na birthday pala ngayon ni Daddy. pambihira! Makakalimutin na ako. pareho pala kaming July. Thirteen days lang ang pagitan ng araw. Sobrang nawiwili ako sa mga bagay. Nakakalimutan ko na si Daddy.

Nilapitan ko kaagad si Daddy. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng broadsheet sa isahang sofa. Mula sa kanyang likuran, binati ko siya. "Happy Happy Birthday, Dad'' Tapos, kiniss ko siya. 

"Salamat, Red!"

Binati rin siya ni Dindee.

"Salamat, Dee! Mayang gabi na lang tayo kakain sa labas. Tinatamad pa akong lumabas."

"Sige lang po, Dad!' Bumalik na ako kay Dindee. Mabuti hindi nagtaka si Daddy kung bakit late na ang bati namin. Kagabi kasi ay nagtampo na siya. 

Hindi man lang ako nakabili ng regalo. 

Nag-usap kami ni Dindee sa kuwarto niya. Tinanong ko siya kung anong magandang gift kay Daddy. Sabi niya, girlfriend. Natawa ako. Natawa din siya.

"Gusto mo bang magkaroon na ako ng kapatid?" Natatawa pa rin ako habang sinasabi ko ito.

"Oo. Masarap kasi yatang magkaroon ng kapatid.."

"Siguro. Pareho kasi nating di alam yun.."

"Picturan mo na nga lang kami ni Daddy tapos post ko sa FB. Lagyan ko ng greetings."

"Sige.."

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...