Followers

Saturday, July 26, 2014

Red Diary 138

Sampal

Nag-FB kami ni Dindee pagkatapos naming mag-dinner at maghugas ng mga pinagkainan.

Gamit niya ang cellphone niya sa pagpi-Facebook. Ako naman, ginamit ko ang desktop. Nasa kuwarto niya si Dindee. Ako naman sa sala. Talo pa namin ang nasa long-distance relationship dahil magka-chat kami. Panay ang kantiyawan namin. Binibiro niya ako. Inaasar niya ako sa swimming trunks na nabili namin. Felix Bakat daw ako sa pageant night. Tapos, kulay pula naman daw ang mga costume ko. 

Then, iniba ko ang usapan. Tinanong ko siya kung mahal niya ako. Hindi siya kaagad nakapag-reply. Kaya ako, in-open ko ang timeline ni Riz. Nawili ako sa mga post niya. Napatitig ako sa isa niyang bagong post na picture. 

"Aha!" si Dindee. Nakapamaywang siya sa likod ko. Nagulat ako. Nakita niya kung paano ko tinitigan si Riz. Tumalikod siya at pumasok sa kuwarto niya.  Sinundan ko siya. Tahimik akong nagsalita at nagpaliwanag. Pero, hindi siya nakikinig. Madilim ang kuwarto niya kaya hindi ko kaagad napansin na humhikbi na siya. 

"Sorry.. Tiningnan  ko lang naman.." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Sorry na, Dee." pabulong kong sinabi.

Gusto ko na siyang yakapin. Pero, hindi ko ginawa dahil baka lalo siyang magalit. Hinaplos ko na lang ang buhok niya hanggang balikat. Pinipilit ko siyang tingnan ako pero hindi niya inangat ang mukha niya. Kaya, hinawakan ko ang pisngi niya at marahang itinaas. Kumislap ang mga luha niya sa mata. "Sorry.."

Isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin. Pinagtulakan niya ako palabas. Lumabas na lang ako. 

Hindi ko sinasadya... Sorry.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...