Followers

Tuesday, July 22, 2014

Double Trouble 16

DENISE' POV

Nawalan ako ng mood maghapon. Hindi ko talaga kayang ikinukumpara ako ng mga magulang ko kay Kuya Dennis. Magkaiba kami. Matalino siya. Average lang naman ako. Mahusay naman ako sa ibang bagay. Marunong akong magkumpuni ng mga sirang kasangkapan o appliances. Mahusay ako sa drawing, lalo na ng anime.

Nakakasama ng loob dahil ang mga magulang mismo namin ang nagpaparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat tamuhan ng mga bagong gamit at kasuotan. Lagi na lang si Kuya, si Kuya, si Kuya. Ang magaling ay laging si Kuya. Ang mabait ay si Kuya.

Sus! Magaling sumipsip kamo...

Siguro kapag nawala ako sa buhay nila, matutuwa pa sila... lalo na si Kuya. Siya siguro ang numero unong magbubunyi sa pagkawala ko. Nakakaiyak...

Matagal ko nang hindi naranasang mapuri at mabigyan ng reward. Puro si Kuya. Nakakatamad tuloy mag-aral. Sino ba ang sisipaging mag-aral, kung ang pamantayan nila ng kahusayan ay ang honors? Hindi naman nasusukat sa ribbon at medals ang katalinuhan, a.

Maglayas kaya ako, baka sakaling malaman nila ang halaga ko. Baka sakaling mahalin naman nila ako, gaya ng pagmamahal nila kay Kuya.

Mabuti pa nga si Krishna... Mabuti pa siya, napapasaya niya ako. Mabuti pa siya, kaya akong unawain. Tanggap niya ako.

Siguro kung aalis ako sa bahay, kay Krishna ako tutuloy. Siya ang alam kong tatanggap at magbubukas ng pinto para sa istokwang tulad ko.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...