Followers

Saturday, July 19, 2014

Double Trouble 12

DENISE' POV

Ang saya-saya ko kapag kasama ko ang tropa. Huwag lamang mawawala si Krishna. Siya kasi ang kumukumpleto ng araw at samahan namin. Siya ang muse. Kahit mas maganda raw ako kesa sa kaniya, sabi ng mga kaklase ko, para sa akin, si Krisna ay mas higit ang kagandahan sa akin. Bukod sa maganda siya, mabait pa. Sweet. Laging nakangiti.

Kung hindi nga lang ako nagpapakabait kay Kuya Dennis, uupakan ko na siya. Paepal kay Krishna, e. Ang lakas makapagparamdam. Pilit umiiskor. Akala niya hindi ko napapansin `yon. Ang problema, hindi siya uubra sa akin. Mabilis ako. Naipaglalayo ko sila kaagad. Hindi siya kailanman makakaporma kay Krishna ko.

Naka-kiss na naman ako sa kaniya. Paano ba `yan?

Saka lang kami nag-usap ni Kuya Dennis nang nakababa na kami ng dyip. Habang naglalakad kami papunta sa bahay, sabi niya sa akin, "Tulungan mo akong ligawan si Krishna. Crush ko siya." Wala man lang preno ang nerd. Hindi man lang nanginig sa sinabi niya. Ano kaya ang nabasa niya at bigla-bigla ang pagiging chickboy? Akala ko nga beki siya, e. Babae pala ang gusto. Si Krishna pa. Sheet!

"Wala ka bang mukha, Kuya?" Iritado ako. "Bakit `di mo ligawan. Crush mo pala, e."

Napakamot sa ulo ang utol ko. Napahiya yata. `Tapos, nagsabi pa, "Kasi close kayo, e. Baka kako mas mabilis."

"Close nga kami. E, bakit? Nasa akin ba ang utak at puso niya?!" Tumaas ang dugo ko. Bigla akong nagmadaling lumakad. Iniwan ko siya. Saka ako nagdadakdak. "Ang babae, hindi minamadali. Hayaan mong mahalin ka sa tamang panahon at lugar. Ikaw ang manligaw. `Wag ako. Kasi kung ako manliligaw para sa `yo, basted ka. Ako ang sasagutin!"

Hindi nakakakibo ang nerd kong kuya. Ang hina! Matalino lang talaga sa subjects... Loser.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...