Panay ang tingin ko kay Riz habang nasa klase kami. Hindi ko pa yatang kayang kalimutan siya. Siya ang dreamgirl ko dati, pero ngayon, hinamon ako ng bagong kong minamahal na kalimutan siya. Kahit magkasama kami mula Lunes hanggang Biyernes sa school, iba pa rin na pati sa Facebook ay magkaibigan kami. Kapag in-unfriend ko siya, masasaktan siya. Kapag hindi ko naman ginawa, masasaktan ko rin si Dindee at pinatunayan ko lang na hindi ko ako totoo sa nararamdaman ko para sa kanya.
Ang hirap! Ang hirap kapag conditional ang pag-ibig..
Malungkot ako maghapon. Apektado ang class performance ko. Mabuti na lang at hindi kami nag-rehearse kanina. Malamang mapapagalitan ako ni Sir Briones
Pagdating ko. Masaya akong binati ni Dindee. Hindi siya nagbanggit ng tungkol ss kondisyon namin. Pilit kong pinasaya ang tono ko sa pag-greet back sa kanya. "Kumusta?" tanong ko pa.
"Mabuti. Ikaw?'
"Mabuti din. Sandali lang..magbibihis lang ako." Gusto ko talaga siyang iwanan sa sala para makapag-isip pa ako.
Matagal akong nag-stay sa kuwarto bago ako lumabas. Paglabas ko, nag-online agad ako at nag-Facebook. Hindi ako sinundan at tiningnan ni Dindee. Busy na rin siya sa pagre-review.
"Kailangan kitang i-unfriend para mapatunayan kong mahal ko si Dindee. Sorry. Ingat ka lagi." Iyan ang private message ko kay Riz, bago ko pinindot ang unfriend button sa FB. Nalungkot ako ng sobra sa ginawa ko.
No comments:
Post a Comment