Apat na oras pa lang tulog ko. Nagutom kasi akong bigla.
Pagkakain, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Kaya, naisipan kong itext si Lianne. "HelLo, LiaNne! Musta k n? MustA ang work U?"
Naghintay ako ng ilang saglit.
"HellO, heCtOr! D q yta kkyaniN. mhraP!" reply ni Lianne.
Wala akong alam sa call center. Pero, alam kong mahirap talaga ang trabaho niya lalo na't nag-aaral pa siya sa hapon. Kaya, sabi ko: "Gnun tlgA s uNa. Kya mO yn! MssNay k rn. gnYan dn aQ dti."
"Oo. I'll try. I hve no choice."
"That's ryt! pWde b ktang dlawin s workplace mO?''
Antagal bago nakapagreply si Lianne. "D pwde. Bgo p lng aQ.. mybe nxt tym.."
"ok. sna mgkta mn lng tyO mmyA bgo.. mis n kTa.."
"BuSy aq msydO for daT.."
"kht sndaLi lng..please!"
"Bkt? y r u doing dis 2 me? gs2 mko?"
Nagulat ako sa reply niya. "Oo. Gusto kita. Gusto kitang mahalin."
"d mko pwdng mhlin.. :("
"But y?"
"Bsta.. Bye"
Tinawagan ko siya pero di niya sinagot. Napakamisteryoso niya. Kung di ko siya pwedeng mahalin, bakit? Hindi naman niya sinabi. Hindi niya ako sinagot..
Tinext ko si Paulo. Pinaamin ko siya kung may boyfriend na ba si Lianne.
"Wla. Db snbi Q n sau na mtgal n syang wlnG bf.."
"oK. bka nsakTan lng sya dun s breakup nlA.'
"pwde. pero, s tngin ko, priority nya ang studies at ang aMa nia.."
Siguro nga. Hindi na ako nag-usisa. Pero, desidido pa rin akong suyuin siya.
No comments:
Post a Comment