Followers

Sunday, July 27, 2014

Alter Ego: Bangungot

"Mahal na mahal ka ni Mommy at ni Daddy, ha?" turan ng mapagmahal na ina ni Paul nang magising siya isang gabi mula sa isang bangungot. "Hintayin mo ako dito. Ipagtitimpla kita ng gatas para makatulog ka.."
Tatayo na ang ina nang kumunyapit si Paul sa kanyang ina. "Mommy, huwag mo po akong iwan dito sa kuwarto. Natatakot po ako.." Nanginginig sa takot ang nuwebe anyos na bata.
"Sige, sumama ka na sa akin." Kinuha ng ina ang kamay ni Paul.
Madalas magkaroon ng nakakatakot na panaginip si Paul. Madalas ay hinahabol siya ng mga masasama at nakakasindak na nilalang. Dahil may sarili siyang kuwarto, kinakatakutan niya ang matulog doon mag-isa. Pinagagalitan naman siya ng kanyang ama kapag nagpupumilit siyang matulog sa tabi ng kanyang mga magulang.
Madalas, tinatabihan siya ng kanyang ina hanggang makatulog siya.
Kinabukasan, naglalaro si Paul sa kanilang hardin ng kanyang remote controlled toy car nang mahulog ito sa swimming pool.Tinawag niya ang kanyang ama, na agad namang lumusong sa tubig.
Sinikap ayusin at paandarin ng kanyang ama ang laruan, ngunit nabigo siya. Kinabig si Paul na mangiyak-ngiyak papunta sa braso ng ama. "Hayaan mo na.. Ganun talaga. Huwag ka ng umiyak. Bibili tayo mamaya ng bago.."
"Talaga po, Daddy?!" Bumilog ang mga mata ni Paul sa tuwa.
"Ano ang nangyari sa toy mo Paul?" tanong naman ng ina nang dumating ito.
"Mommy, nahulog ko po sa pool.." Humaba pa ang nguso ni Paul habang nagsusumbong sa ina.
"Ay..di bale.."
"Di ba, ibibili natin siya mamaya kapag kiniss niya tayo?" sabi ng ama.
Kiniss ni Paul ang ama. Lumapit naman ang ina sa bata para ma-kiss din siya sa pisngi.
"Ang sarap naman mag-kiss ng baby natin."
"Oo nga. Kaya.. mamaya, may bago na ulit siyang toy car."
"Yehey!" Niyakap naman siya ng mag-asawa.
"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...