Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 122

988 Points


Nag-movie marathon kami ni Dindee maghapon. Kulang na lang ay mag-popcorn kami para sineng-sine ang dating. Nakaapat na pelikula kami. Lunch at meryenda lang ang pahinga, kasi hindi naman kami makalabas dahil sa hindi pa ring tumitigil na ulan. Although, nakaalis na ang bagyo, hindi pa rin safe sa labas ng bahay.

Nag-de lata lang kami ni Dindee kaninang tanghali. Na-miss namin ang sardinas. Bihira lang naman kaming kumain dahil madalas lutong bahay ang inuulam namin. 

Meryenda. Nag-pancake ako. Bilib na naman sa akin si Dindee. Paano daw siyang natutong magluto niyon?

"Sus! Kadaling gumawa nire!"

"E, paano nga?"

"Ganyan lang. Paghahalo-haluin ang harina, baking powder, tubig, egg, sugar at milk. Tapos, lulutuin na sa pinainit na frying pan na may konting margarine."

"Galing mo naman! Talented ka talaga.."

"May points na naman ba ako?"

"Sus, para yan lang..points agad!"

"Siyempre! Bilib ka nga, eh.. "

"Bakit may koneksyon ba yan sa panliligaw mo sa akin?"

"Oo! Wait and see.."

Hindi ko siya pinalapit habang  nagluluto ako ng pancake. Gusto ko siyang sorpresahin sa ipe-present ko sa kanya. 

Pagkalipas ng bente-minutos, binigay ko na sa kanya ang plato ng heart-shaped pancake with strawberry syrup.

Bumilog ang mga mata ni Dindee nang makita ang gawa ko. "Whoah!"

"Kitam! Sabi ko sa'yo, e!"

"Gusto na talaga kita?" Kinilig pa siya.

"Talaga? Sinasagot mo na ako?"

"Hoy, Mr. Heart! Huwag kang masyadong hot.. Hindi ka pa nakaka-1000 points."

"Ha? Ganun kadaming points ang iipunin ko?"

"Oo! May angal ka?''

"Wala po, Boss! Ilan ang points ko ngayon?"

"Two points lang. Twelve ka na."

Okey na yun. At least, 988 points na lang ang kailangan ko.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...