Nahirapan akong buuin ang kanta ko para kay Dindee. Idagdag pa ang pangungulit at pang-aasar nina Nico at Rafael. Hindi ko napigilang mapikon. Pinatulan ko sila sa asaran, kaya natigil ako sa pagigitara. Dumating pa si Roma. Panay ang tanong kung bakit ako nagko-compose ng kanta. Sabi ko, wala lang.
"Wala lang ba talaga o para kay Riz?"
"E, anong problema mo kung kanya nga?"
"Ah, wala..wala.!" tapos, umalis na siya.
Nang mag-CR ako, nakita ko si Roma, kausap si Riz. Magkabati na sila. Malamang, naisumbong na niya ang tungkol sa kanta ko.
Hindi nila ako nakita.
Lumapit uli si Romeo sa akin. Nakauwi na sina Nico at Rafael. Si Gio na lang ang kasama ko.
"Ang sweet mo naman talaga." sabi ni Roma. Ngiti-ngti pa siya at pumilantik pa ang mga mata.
"Alam ko na 'yan.." sagot ko.
"Umalis ka na nga dito!" si Gio naman ang nagsalita."Istorbo ka! Nagmamadali na nga si Red matapos ang kanta, e.."
"Wag ka ngang mangialam sa akin.. Ikaw ang lumayo! di kita type, noh! Choo!"
"Bakit type din ba kita? Kahit ganito ako, marunong akong mamili.."
"Tse! Choosy ka pa sa lagay na 'yan. E, si Red lang ang pumapansin sa'yo..!"
"Sama mo naman magsalita, Romeo.." Naawa ako sa bestfriend ko."Tama na nga yan, baka saan pa mapunta'yang sagutan nyo.."
"E, kasi 'yang julalay mo.. Atribida!"
"Sapakin kita, e!"
"Subukan mo!"
Magdadambahan nga ang dalawa. Naawat ko lang.."Uwi na nga tayo, Gio! Basagulero kang Romeo ka, ha! Bully!"
Iniwanan namin si Romeo. Noon ko lang nakitang maluha-luha si Gio. Nakakaawa talaga ang hitsura niya.
"Okay lang 'yun, Bro! Hayaan mo na. Bakla, e."
Tahimik siya hanggang sa naghiwalay kami.
No comments:
Post a Comment