Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 121

Champorado


Pareho na kaming walang pasok ngayon ni Dindee. Kagabi pa na-suspend ang mga pasok, all levels. Pero, si Daddy, pumasok.

Nag-bonding kami ni Dindee sa kusina. Naisipan ko kasing magluto ng champorado.

Habang nagluluto kami, bumabayo ang napakalakas na hangin at bumubuhos ang ulan. Maya-maya, sabay na nag-ring ang cellphone namin ni Dindee. Ang mga ina namin ang tumawag. Nangumusta sila at nagpaalala na mag-ingat kami.

“Mommy..” Ibababa na sana ni Mommy ang cellphone niya nang maiispan kong biruin siya.

“Ano, Red?”

“Hindi mo po ba kukumustahin si Daddy?” Paimpit pa akong tumawa.

“Red, ha..bumabagyo na, namimikon ka pa..”

“Kasi po..pumasok po siya.. Di ka po ba nag-aalala?”

“Hayaan mo na siya! Damulag na yun. Kaya na niya ang sarili niya. Basta kayo dyan ni Dindee, mag-ingat kayo. Sige na. Bye. Kainis kang bata ka!”

Natatawa pa rin ako habang kaharap ko na si Dindee sa pagkain ng niluto kong champorado. Tumawa rin siya nang ikuwento ko kung ano ang sabi at reaksyon ni Mommy.
  
“Ang lakas mo kasing mang-alaska, e. “ sabi niya.

"Speaking of alaska.. Nakalimutan nating maglagay ng gatas. Teka." Nagbukas ako ng kondensada. Wala na kasing evaporated milk. Tapos, inuna kong lagyan ang bowl ni Dindee. Hugis-puso ang pagkalagay ko.

"Wow, Red! Ang sweet. Ang ganda! Parang ayaw ko pang kainin." Bulalas ni Dindee. Tapos, piniktyuran niya pa. "Instagram ka ngayon... Hashtag love champorado ala Red!"

"Ayos, ah!"

"Siyempre, ikaw ang nagluto, e.."

"Itong tuyo, I-Instagram ko rin. Ikaw ang nagprito nito..  Hashtag tuyo ala Dindee."

"Wag na! Di kita bibigyan ng points.."

"Sige na nga, wag na. Ilang points ba ang ibibigay mo?"

"One point for the champorado. One point for the heart.."

"Yehey! Ten points na, lahat-lahat!"

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...