Followers

Friday, July 18, 2014

Red Diary 125

Dahil ilang araw walang pasok, na-boring ako sa bahay. Naisipan kong lumabas bandang alas-diyes ng umaga kanina. Nang nasa labas na ako. Wala naman akong magawa. Puro kalat lang ang nakikita ko, gawa ng nakaraang bagyo. Kaya, naisipan kong itext si Dindee para puntahan ko siya sa school niya, tapos sabay na kaming uuwi. In short, susunduin ko siya.

Nagpumilit pa ako para lang pumayag siya. Kaya ngang pumayag, agad akong pumunta sa school niya. Naka-red shorts lang ako at naka-v-neck white shirt--- medyo pambahay pero pwede nang pang-alis.

Nagpagupit muna ako habang naghihintay ng labasan ni Dindee. Sa parlor na pinagupitan ko, pinagtripan ako ng bading na barbero. Palalakihin daw niya ako. Sabi ko, malaki na po ako. Andami pang sinabi. Hindi ko na lang pinansin. Kulit, e! 

Natapos naman agad ang pagpapagupit ko kaya ako pa rin ang naghintay kay Dindee. Ilang minuto lang ay nagkita na kami. napa-wow siya nang makita ako na bagong gupit. "Pogi, ah!" Ginulo pa niya ang buhok ko. 

"Siyempre, kailangang magpapogi.." Kininditan ko pa siya.

"Hay, naku!" mataray kunawari siya. "hindi mo na kailangan magpapogi.. "

"Ano na lang pala ang dapat kung gawin?"

"Ang dapat mong gawin ay magpaka-sweet.. para may pogi points ka sa akin!" 

Kinuha ko ang mga books niya. Ako ang nagdala. Tapos, kumain kami sa favorite niyang fast food chain. Sobrang nabusog kami.

Pag-uwi, natulog kami sa kanya-kanya naming kuwarto. 

Paggising naman namin, nagpaturo uli siyang maggitara. Ang ganda niyang turuan. Naabutan naman kami ni Daddy. Selos daw siya kasi siya daw ay hindi ko tinuturuan. Nagtawanan kami pagkatapos kong sabihin na: "Bakit Dad, haharanahin mo na ba si Mam Valbuena?"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...