Followers

Wednesday, July 30, 2014

Red Diary 146

Good Night and Good Bye


"Pwede ba kitang yakapin?" tanong ko kay Dindee nang makauwi ako sa bahay. 

"Red? Bakit? Di ba...?"

"Sige na, please.. Alam ko, bawal..pero pagbigyan mo lang ako ngayon.. Bawasan mo na lang ako ng points.." Kahit seryoso ako, natawa pa rin si Dindee.

"Sige..pero, sandali lang ha?"

Hindi na ako nagsalita. Niyakap ko kaagad siya. Mahigpit. Sumandal ako sa balikat niya.. Ramdam ko ang tibok ng puso niya. 

Gusto kong umiyak. Gusto kong tumangis dahil iniwan na ako ng dati kong dreamgirl. Isa na lang siyang panaginip ngayon...

"Huwag mo akong iwan, ha?" halos pabulong kong sabi sa kanya..

"Red? Bakit mo nasasabi yan?' Bumitaw na siya sa pagkakayakap ko.

"Salamat sa yakap mo, Dee.."

"May problema ka ba? Sabihin mo sa akin.."

Umupo ako sa sofa. Tinabihan niya ako at humarap sa akin. Sinapo niya ang mukha ko at itinaas. Tiningnan niya pa ako sa mata.

"Tumingin ka sa akin, Red.. Anong problema? Sabihin mo.."

"Wala.. Ipangako mo lang na hindi mo ako iiwan.."

"I promise.. Hindi ako aalis. "

"Salamat, Dee.."

Tinapik niya pa ako sa balikat bago ako tumayo. "Sige na, bihis ka na.."

Masakit palang magmahal. Masakit maiwanan. Pero, alam ko, nasaktan ko rin si Riz.. Mas nasasaktan nga lamang ako dahil ganun lang siya kabilis nakahanap ng kalapit ko. Of all people, si Leandro pa. 

"Good night and good bye, Riz!" Tinext ko siya, bago ko sinet ang orasan ko para mag-alarm. Maaga ako bukas.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...