Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 112

Kanta


Nagtext si Dindee sa akin. Mali-late daw siya ng uwi kasi kailangan niyang mag-research s alibrary nila. Naunawaan ko naman siya. Hindi na ako nagseselos ngayon sa lalaking nagkaka-crush sa kanya. Alam ko kasi na ako ang mahal niya, lalo ngayon na binibigyan niya ako ng pag-asa sa pamamagitan ng mga points.

Natapos ko naman ang lyrics ng kanta dahil wala siya. Heto ang kanta na wala pang chords:

IBIBIGIN KITA


I.
Kailan ko lang naramdaman
Ang puso ko ikaw ang laman
Ngayon, pati sa aking isipan
Tumatakbo ang iyong pangalan.
Pangako ko, kailanpaman..

KORO:
Iibigin kita, aking mahal
Sa dulo ng mundo, walang alinlangan
Pagkat sa'yo lamang, pusong ito
Sa'yo lang ako liligaya,
Iibigin kita, aking sinta.

II.
Handa akong maghintay
Aking panahon sa'yo ay iaalay
Anuman ang mangyari, 
Puso ko sa'yo nakatali
Walang ibang mamahalin
Walang ibang iisipin
Kundi  ikaw ay makapiling
Ngayon  at sa panahong darating..

(Ulitin ang Koro)

Iibigin kita..
Mamamahalin kita..
Dito sa puso ko..
Ikaw ang tanging laman.

(Ulitin ang Koro)

Ayos! Natapos din. Dumating na si Daddy kaya hindi ko na naituloy ang paglalagay ng tono, chords at melody. Bukas ko na lang siguro gagawin sa school. Dadalhin ko ang gitara ko bukas.

Tapos, tinext ko si Dindee. Sabi ko: "Ingat k s pg-uWi. See U.. Tsup!"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...