Followers

Thursday, July 31, 2014

Double Trouble 20

DENISE' POV

Hindi ko naman talaga binigay kay Denise ang love letter ni Nerdie kay Krishna. Para ano? No way! Hindi ako patatalo. Kaya nga, hindi ko rin sinabi kay Kris, kasi baka ma-in love pa siya sa kapatid ko. Kahit gano'n `yon, alam kung madiskarte `yon. Baka daanin niya sa mga high fallutin words niya, na pinag-aralan niya ng 14 years. Malalaos si Merriam.

Tahimik kaming umuwi ni Kuya. Hindi niya ako kinikibo sa dyip. Hindi ko rin siya kinausap, humiwalay kasi ako ng upuan. Sa bungad siya nakaupo, ako, sa likod ng driver. Hindi ko siya tinitingnan.

Kinapa ko sa bulsa ko ang love letter niya. Andoon pa. Akala ko, nahulog na.

Pag-uwi namin sa bahay. Tahimik pa rin kaming nagmeryenda. Pagkatapos, hinayaan ko na siyang manood ng TV sa sala. Ako naman ay nag-lock sa kuwarto ko.

Binasa ko ang love letter niya, na para sana kay Krishna.

Dear Krishna,

How are you? I hope you're always fine, like me.

I wrote this letter because I wanted to tell you what I feel for you. I could not keep it anymore. It's been a long time, since I started admiring you. Your eyes that make me smile every time they meet mine. Your smile that completes my day is what I'm longing for every day. You, alone, are my inspiration.

It's hard to do this, but I tried. I know you're a star, but I like to touch you. Please, permit me to court you. Please, give me a chance to prove you my sincerest affection. If you will let me enter your life, I'll be the happiest person in the world. And, if you accept my heart, I promise, you'll be the queen of my life.

Take care always! I love you!

Dennis,

Shit! Mabuti na lang, hindi ko naibigay, kundi kinilig si Krishna. Kinilig nga ako, siya pa kaya.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...